Sixty Four

26 0 0
                                    

Hinatid lamang ako ni Shaundrei sa trabaho at nagpaalam na may pupuntahan pa siya. Sa saglit naming paghihiwalay, ito't miss ko na siya agad. Pupunta naman daw siya dito kapag lunch na.

Kahit na, huhu.

Napatawad ko na siya sa pagkagat niya sa balikat ko.

Malamig pa din ang simoy ng hangin. Nanlalaglag ang dahon ng mga puno.

"Miss!"

Napalingon ako sa tumawag sa akin.

Napatingin ako sa kaniya. Muka siyang may lahi. May istura, pero hindi kasing gwapo ng boyfriend ko.

"Nadaan dito si Te-woh, tama? Makikibigay naman 'to...Sabihin mo galing kay Kenjie...."

Te-woh...

Nagtataka akong tumingin sa kaniya.

"Si Te-wohshaundrei...Kilala mo, tama?"

Ay kilalang kilala, buong pagkatao. As in.

"Oo, boyfriend ko siya...I-a-abot ko na lang mamaya..."

Tumango siya.

Ngumiti siya pero may kakaiba sa pagtawa niya.

Tawang nakakainis.

Hindi ko na lang iyon pinansin at kumakantang pumasok na sa establishment.

Okay naman maging single eh. Basta huwag lang si Shaundrei ang ex. Pft...Buti na lang nagkabalikan kami, ang saya-saya mabuhay...

Naglakad-lakad na akong muli. Ibinaba ko ang Japanese food sa lamesa ko at tuwang-tuwa agad ang mga batang makita ako.

"Kamusta ang sleep niyo?"

"Okay naman po...kayo po? Kamusta po kayo kagabi?"

Bwisit na utak 'to, sa sobrang green-flag ng boyfriend ko ay nagiging berde na din. Iyon ang automatic kong naisip.

"Okay naman din..."

Hindi maiiwasan na may mag-away sa mga bata. Ito din ang nasabi sa akin ni kuya Rohzel.

"Ikaw nga eh, iniwanan ka ng nanay mo tapos palagi kang binubugbog ng mga tito mo!"

Namuo ang luha sa mata ko. Hindi sa akin mismo iyon sinabi, pero sobrang umukit sa puso ko.

Dahil sa may kilala akong may katulad na karanasan noon...

Niyayakap ko lamang ang batang lalake na matalim na nakatingin sa ibang bata.

"Kahit ganoon ang naranasan niya, sobrang strong pa din niya. Mahirap 'yun pero tignan niyo, nakaya niya...Tsaka hindi niya kasalanan na iniwanan siya ng mama niya."ani ko.

Bumukas ang pinto. Nagitla ako ng makita si kuya Rohzel. Totoo na presensiya pa lang niya, intimidating na. Iyon ang napapansin ko sa kanilang apat, si kuya Rohzel ang pinaka intimidating.

"Go to my office. Lahat ng kasali sa gulo."

Natahimik ang mga bata. Pumila ang mga kasali.

Nahihiya ako dahil sa hindi ko kaagad naayos, kinailangan pa niyang pumunta dito.

Nagtagpo anh mata namin ni kuya Rohzel at ngumiti siya.

"Hindi mo kasalanan...Ganiyan talaga sila..."

Kahit sinabi niya iyon, hindi ko maiwasang makonsensiya ng sobra. Namumuo pa din ang luha sa mata ko at nahihiya, napatutungo.

"Lorenz, dito ka muna kay ate Naomi..."aniya sa batang bigla na lamang inaway.

Snow On The BeachTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon