Fourty Five

22 0 1
                                    

"Bakit ang-aga mo dito sa simbahan?"

Kumakain kami ng taho ngayon, libre niya. Tumingin siya sa akin.

"Wala lang..."

"Baka mamaya, babalik ka doon?!"

Umiling siya at natawa sa akin. Akala yata, nakikipag biruan ako...

Pero...kung babalik siya para hanapin ulit ang mama niya, ayos lang naman sa akin iyon. Kaso, ma-mi-miss ko na naman siya ay may pasok na.

Pinaligid niya ang braso niya sa bewang ko at inamoy ang buhok ko.

"Hindi ako babalik doon..."

Tinignan ko siya. Muka namang nagsasabi siya ng totoo.

"May tampo ka pa din sa'kin?"

Umiling ako at naghikap. Nakakaantok, anong oras na din kasi ako nakatulog kahapon. Napangiti ako. Napaka gandang bungad ng bagong taon...

"Siguro dati noong bagong taon, sabay kayong nag-counting ng ex mo."aniya.

Inalala ko kung tama ang hula niya...

Tama, oo. That was already two years ago.

Tumango ako.

Nilingon ko siya, nakasimangot na.

Natatawa akong isipin na nagseselos siya. Mukang imposibleng mangyari iyon, napaka taas kaya ng kompyansa nito sa sarili...

"Anong muka 'yan?"

"Gwapo."

"Bakit naka simangot ka?"

"Nabwibwisit ako sa lintik na 'yun..."

"Nagtanong ka, tapos sinagot ko...Ngayon naiinis ka na, alam mo...sabi sa'yo magpahinga ka muna..."

"Pagkagising ko, hinahanap agad kita. Bago ako matulog, hinahanap kita. Sa tingin mo ba, makakatulog ako ng ganitong oras..."

"Anong connect?"

Tinignan ko si Teoshaun. Malalim ang eyebags niya. Pero sa kabila noon, nakakikita na ako ng saya sa mata niya.

Tumingin siya sa akin.

"Ang connect, gusto kitang gawing unan, payag ka ba?"

Umiling ako. Ayoko, problemado pa din ako hanggang ngayon kung papaano ba tatakpan ang marka ng pagka-miss niya sa akin.

Niyaya ko siyang maglakad-lakad dahil tapos na ang kailangan naming asikasuhin. Nagpaalam na din ako sa ibang youth members. Hawak ko ang kamay niya't makapal ang hamog. Wow, bidang-bida ang main character syndrome ko.

Binitawan niya ang kamay ko kaya napanguso ako. Ngunit ipinaligid niya ang braso niya sa bewang ko.

"Gala ka ng gala, noh? Buti, hindi ka napapagalitan..."

"Alam ni mama na ayaw ko sa bahay ngayon at may gagawin ako sa simbahan..."

"Sus, tumakas ka lang..."

"Parang gusto kong gawing tanghali ang hilaw na hapon."

Tinignan niya ako habang napakakagat labi ng bahagya, pinipigilan ang pagngiti ngunit nakalubog na ang dimples niya.

"Shaun, ang taba ko na..."

"Oo, kaya lalo akong nanggigigil kagatin ka ng kagatin."

Napangiti ako sa sinabi niya.

"Ngumiti, ibig sabihin...pwede?"

"In your dreams."

He mocked me.

Snow On The BeachTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon