Thirteen

13 1 0
                                    

Jake:He wouldn't take his meds as much as I beg him too. This fucking asshole is indeed getting into my nerves.

Napatingin ako sa cellphone ko. Kauuwi lamang namin sa eskwelahan. Nilagnat si Teo sa school kanina, todo tanggi pa eh para siyang overused na battery sa sakit.

Napakagat labi ako.

Naomi:Saan ba ang inyo?
Jake:SUSUNDUIN KITA, PLEASE?!

Natawa ako gayong tinatanong ko pa lang, nagsabi na siya ng ganoon. Ganoon na pala talaga sila ka-komportable sa akin...

Naomi:Sige...

Tumingin ako sa labas ng bintana ko. Napaka ganda ng kulay ng langit at nakikita ko ang mga lumilipad na ibon. Napaka tagal ng panahong inantay kong bumalik ako sa dati na na-a-appreciate ang kapaligiran. Dati, nakakulong lamang ako sa sarili kong isipan. Paulit-ulit nitong binabanggit ang pangalan nila Enrique kasama na ang memorya nila.

Ilang buwan din akong miserable dahil sa'yong kulot ka. Pft.

Pinagmasdan ko ito pati na din ang pagsayaw ng mga dahon.

Nagitla ako nang bahagyang bumukas ang pinto.

"Ate, nag-bake si mama, tawagin mo daw sila kuya Teo para bigyan natin..." ani Nancy.

Tumango ako at ngumiti. Muli niyang isinarado ang pinto.

Ilang buwan ding parang hindi ko sariling buhay ang may hawak ng emosyon. Ilang buwan na parang hindi ako buhay. Buhay ako physically ngunit patay ako emotionally at mentally. Napaka hirap ng pakiramdam na tila sa kanila umikot ang buhay ko noon.

The bittersweet feeling of falling out of love from someone.

Inaantay ko lamang na muling mag-chat si Jake. Napatitingin ako sa mga sasakyan na umaandar sa kalayuan. Parang ang sarap sa pakiramdam na muli na akong sumasaya sa mga simple at maliliit na detalye ng buhay. Tila malaya na ako... Noon, kahit maganda ang sitwasyon ko, panget ang perception ko dahil sa ano-ano ang nao-overthink ko.

Ngayon, masaya sa pakiramdam na wala na akong bitbit mula sa past. Wala na akong dinadalang nakaraan sa araw-araw kong buhay. Hindi na ako nagagalit o nalulungkot ng dahil sa kanila--o sa ginawa nila.

"Wag kang mag-alala..."

I chuckled.

Iisang tao lang ang naalala ko nang awitin ko iyon. Hinihiling na sana, magagaaa kong ipakilala si Teoshaun sa younger version ko.

Jake:nasa gate na ako, nakita ako ni tita at may pabaon pa.
Naomi:teka

Nanakbo ako palabas. Nagaalala na ako kay Teo ngayon.

"M-Ma, aalis lang po ako..."

"Saan ang punta mo?"

"Sa kanila po, tambak na po ang project eh..."

"Baka maaksidente kayo ah..."

Napaka laki ng tiwala ni mama sa kanila ni mama, mas may tiwala kay Jake kaysa sa akin.

Habang magka-angkas kami sa motor, hindi ko naiwasang magtanong.

"May kasama ba siya sa kanila?"

"Wala eh, parang makina trato diyan ng pamilya niya, kaya si kuya Math lang ang close niya."

Lumungkot ang muka ko.

"H-Hindi halata..."

"Oo, ayaw niyang maging problemado eh."

Tumigil kami sa isang bahay. Tama lamang ang laki ngunit alam kong architecture ang pinagkagastusan ng malaki para dito.

"Nasa kwarto niya 'yun..."

Snow On The BeachTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon