Sixty Nine

24 0 15
                                    

Sobrang swerte niya sa akin.

Ayan ang madalas niyang sinasabi. Paulit-ulit, nabibingi na nga ako eh.

Joke lang.

Sa totoo lang, sobrang saya ko 'yun kapag naririnig ko sa kaniya. Nararamdaman ko kasi na mabuti pala ang nagagawa ko at sumasaya siya.

Masaya siya, iyon ang pinaka gusto kong nangyayari. Iyon ang pinaka magandang regalong matatanggap ko mula sa Panginoon.

Masaktan siya. Iyan naman ang pinaka masakit na parusang matatanggap ko. Handa akong saluhin ang lahat ng pagod, sakit, at kung ano-ano pa, basta...Maprotektahan ko lang siya.

I could clearly remember the first time I saw her. She is wearing a white shirt at that time. Dodgers iyon at may nakalagay na numero at pangalan na Heesung sa likod. Nakasuot din siya ng padjama na mahaba sa kaniya. Magulo ang buhok niya noon. Mukang hindi man lamang nagsuklay.

Peace be with you with a peace sign. With the most genuine smile that I have ever seen.

Is what kept me moving forward...

Wala ako sa sarili ko noon. Pumunta ako sa simbahan para magpaalam na sa Kaniya, para sabihin kung sa impyerno man ako mapupunta...Ayos lang, dahil impyerno naman na din ang buhay ko.

At napaka bilis talaga Niyang kumilos...

Dahil binigay niya agad ang anghel sa buhay ko.

Gusto kong matawa no'n. Puro kasi matatanda ang kasama namin noon sa simbahan, pormal na pormal ang kasuotan ng iba't pormal ding magsabi ng peace be with you. Pero siya itong mukang inosenteng-inosente at gusto lang namang magbigay ng peace sa iba. Gano'n ang nakita ko. Gano'n ang naramdaman ko.

Tama, kasi kahit naman sobrang cute niya noon kase umuumbok ang pisngi niya at lumiliit lalo ang muka sa bangs, mas napansin ko pa din ang ipinaramdam niya. Sabi pa niya, peace be with you kuya daw. Eh hindi naman ako naaninaw at malabo ang mata.

Paano pala kung babae ako't natawag niyang kuya. Pft...

Pero nang pagkatapos kong magsimba, may hindi siya alam...

"Naomi, ang hirap, ayoko na..."

Nakikita kong pinababayaan lamang niyang umiyak at yakapin siya ng kaibigan niya. Hanggang sa... ngumiti siya. Ngiting sa paraan na nakapagbibigay pag-asa. Habang nakatitig at patagong nakikinig mula sa malayo at sa dilim, hindi maiwasang bumilis ng tibok ng puso ko.

"Alam mo, hindi porket ganiyan ang nararamdaman mo ngayon...Ganiyan na habang buhay. Pwedeng bukas, ayos na. Pwedeng mamaya...Pwede din naman na sa isang araw pa...Hindi porket ganiyan ang pakiramdam mo ngayon na parang bumabagsak na ang lahat, hindi na magiging maayos ang lahat...Walang moment na makadedefine kung ano ang mangyayari sa future mo..."

Patago akong nangiti.

Kahit hindi mo sinasabi 'yan, tumatak sa isipan ko...at sa puso ko.

"Tara na, masama pakiramdam ko...Parang may nakatingin na maligno..."

Arawch naman Miss...

Umalis na ako agad at lumabas ng simbahan.

"Maligno pa nga..."bulong ko.

Nang makabalik ako sa bahay, naalala ko ang sinabi niya noon.

Ang gagamitin ko sana para tapusin na ang buhay ko, tinapon ko. Tanda ko noon, nang itapon ko ay nakita ko pa siyang naglalakad kasama ang kaibigan niya, tumatawa na ang kaibigan niya pagkatapos.

"Proud ako sa'yo, kase pinili mong magpatuloy...Hindi ka sumuko sa pagsubok niya, kase lahat naman may rason...at alam kong may gift siya sa'yo pagkatapos..."

Snow On The BeachTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon