Sixteen

13 0 0
                                    

"Val, umamin ka na kasi..."

"Ano bang aaminin ko? Rhianne wala nga..."

Kanina pa ako kinukulit habang ako'y may binabasa. Nakaupo siya sa tabi ko at may nilalaro sa cellphone niya. Natatawa ako sa hindi ko alam na rason.

Pumasok si Jake at Teo. Kasama nila si Alden at JL.

Agad namang ngumiti si Rhianne sa akin.

"Anggwapo talaga niya, Kai..."

Oo, kaso torpe.

Baka ma-She fell first but he fell harder ang mga 'to ah.

Umupo na si Teo sa upuan niya.

"Naomi, may itatanong ako sa---"

"Naomi... may ipinapabigay si Vince."

Nag-sign ako ng wait kay Teo at tumingin sa isa naming kaklase. Tinanggap ko ang box at nilagay iyon sa artkit kong bukas ngayon.

"Ano 'yun, Teo?"

"Okay na pala, gets ko na."

Mahina ang boses niya, hindi ko alam but I am somehow intimidated.

"Sigurado ka?"

"Mhm nga..."

Tumango ako at tinuloy ang binabasa ko. Si Rhianne, nakatulog nang muli sa tabi ko habang nakasandal sa balikat ko.

"Ano kayang laman nito..."

Lumingon sa akin si Teoshaun. Matalas ang mata niyang saglit na sumulyap sa box.
Hindi siya nagsalita at pinagpatuloy ang sinusulat.

"Ahh, 'yung PETA pala na ka-group ko siya para sa roleplay, pft..."

Natatawa ako sa disenyo, ang cute.

Ang random din kasi eh... Siguro'y kay Daisy nanghingi ng idea para sa disenyo.

"Nagpatulong ako mag-design sa baby ko" Vince.

"Sabi na eh..."

Lumingon si Teoshaun sa akin. Tumayo siya at lumapit.

Hindi ko alam bakit hindi ko na magawang tumingin sa kaniya ng diretso. Hindi ko alam kung bakit lumalakas na ang tibok ng puso ko. Hindi ko din alam kung bakit naaadik na ako sa presensiya niya. Hindi ko din alam bakit gusto kong makikita ang ngiti niya, lalo kung ako ang rason.

Malaki ang epekto sa akin miski ng pamamaraan niya ng paglalakad o pagtayo. Kahit ano pang facial expression niya, bagay sa singkit niyang mata. Seryoso man o hindi, miski kapag may malalim na iniisip.

"Hindi ko gets... Naoki..."

Parang bata siya kung magsalita at kumilos. Pero hindi cringe dahil hindi siya trying-hard. Sadyang dama kong komportable siya sa akin kaya naman hindi siya ganito umakto sa iba.

"Akala ko gets mo na?"

"Joke lang 'yun..."

Pinaliwanag ko ito sa kaniya. Dama ko ang atensiyon niya habang nakasandal sa arm-chair. Nagpapabalik-balik ang pagtingin ko sa mata niya at sa kaniya.

"Mas naiintindihan pa kita kesa sa teachers, eme lang naman sila..."

He chuckled softly.

Nang tapos na ang pagtuturo ko sa kaniya, napuno kami ng katahimikan. Ayoko ding umalis siya sa tabi ko.

"Naomi."

Nilingon ko siya, lumakas ang tibok ng puso ko nang diretso siyang nakatingin sa akin. Hindi siya nagsasalita.

Snow On The BeachTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon