"Bakit kasi walang dutchmill na matcha?"
"Naomi naman, yogurt na mapait? Napaka adik mo kase sa kape..."Rhianne.
"Wala lang, naisip ko lang...Masyado ka namang seryoso."
Tawang tawa ako sa sarili kong sinabi habang naglalakad kami galing sa kantina. Suot ko ang polo ng SSC, ganoon din si JL. Naka complete uniform sila Rhianne. Nagtataka silang tumingin sa akin.
Napatingin ako sa kalangitan. Nakakasilaw sapagkat mainit ngayon. Naririnig ko ang ingay na likha ng mga estudyante.
Wala nang talaga ang social anxiety ko. Hindi na ako titingin sa paligid at paiiralin ang confirmation bias, hahanapin ang ex.
Ibang klaseng kabaliwan ang napagaling ko ah.
"Napaka babaw na ng kaligayahan ah..."Teoshaundrei.
Tumingin ako sa kaniya. Ang buhok niyang brushed-up ay bumabagay sa kaniya, lalo't basa pa. Hindi talaga siya magmumukang overly formal, may something sa charm niya na pang-bad-boy.
Kaka-wattpad ko 'to, pero wala akong magagawa kase napaka pogi naman talaga ng baby ko.
"Gano'n talaga..."Tangi kong nasabi at kumapit sa braso niya.
May mga oras talaga na seryoso siya. Pero hindi ko nararamdaman na hindi na ako komportable kapag wala na ang side niya na mas sanay ako. Nakapamulsa siya ngayon.
Parang si kuya William noon, maganda ang postura dahil sa dancer. Hindi siga maglakad si Teoshaundrei, pero kahit paglalakad niya ay attractive.
Wow, fangirl na yata ako.
Nasisinagan ng araw ang makapal niyang buhok ngayon. Bagay din talaga sa kaniya ang uniform namin...
Kinuhanan niya ako ng litrato.
"Napaka ganda talaga kahit saang anggulo..."bulong niya.
"May sinabi ka ba?"
Umiling siya't tinago ang cellphone niya.
Lumubog ang dimples niya't inayos ang bangs ko.
"Naomi, kamusta ang pakiramdam mo?"
Napalingon ako sa kaniya nang tanungin niya iyon.
"Hmmmm? Bakit?"
"Wala lang, hindi ka ba nabibigatan sa potentials, talino, at gandang meron ka?"
Natahimik ako. Hindi ako agad makapag salita. Nangingiti akong nagtataka. Nahuli ni Rhianne ang reaction ko at ngiting ngiti din sa akin.
Napaka ramdom naman nito...
"Kaya ko 'yun, narcissist ako eh."
"Pft, narcissist daw...Eh napaka gaan nga ng aura mo."
"Hindi kaya!"
He mocked me.
Nakita kong nakakapit sa braso niya si JL nang naglalakad sila sa unahan. Hindi basta-basta nagiging komportable si JL sa tao. Kinuhanan ko sila ng litrato patago.
Napangiti ako nang makitang maganda ang kinalabasan.
Sinalubong kami ng isang teacher nang nasa classroom na kami.
"Mga anak, doon muna kayo sa kabilang section, kakaunti lamang din ang pumasok ngayon...Absent pa ang ilang teacher."
Kakaunti ang sa STEM dahil sa may ginagawang survey ang iba sa munisipyo.
Nang sabihin iyon ng guro, tumingin silang lahat sa akin.
"Bakit parang may dinosaur diyan na takot ako kung maka-tingin kayo..."
BINABASA MO ANG
Snow On The Beach
Teen FictionVillain sa story ng iba, minsan naman...Narrator. That is how my senior year feels like. Egocentric at overthinker, napaka gandang combo...hindi ba? But someone made me see something from within.