"Ingat po kayo..."
Pinagmasdan ko ang subdivision namin. Ilang araw ko din 'tong na-miss. Bumungad ang mga ibon na kumakanta habang tanghali. Naroon sila sa puno sa kapitbahay. Nakaka-antok, nakakapagod din kasi ang byahe eh. Ang sarap matulog...
Mainit ang panahon ngayon. Nakatulog ako kaagad nang mahiga sa kama ko. Pagod din kasi sa byahe. Mabuti't nagawa ko munang magpalit ng damit.
Nang magising, hapon na. Agad ko namang tinignan ang cellphone ko.
Teoshaundrei:Nakauwi na'ko, ikaw ba?
Teoshaundrei:Hoy tulog
Nagbabasa ka na naman ba?
Naomiiiiiiiiii
Ano banaman yan wrong timing
Sayang
Gumising ka na kasi
NAOMINapangiti ako nang makitang online pa din siya.
Naomi:Oo
Pinagtawanan lamang ng empaktong hapon ang reply ko. Kakalbuhin ko 'to.
Teoshaundrei:Pupunta kami sa inyo bili tayong ice cream kasama si Jakol
I've already told him to stop calling Jake like that, but he won't.
Tumawag siya, nang tawagan ko at tawa lang din naman ng tawa. Halos wala akong maintindihan sa mga kwinento niya. Basta ang alam ko, natatawa lamang ako.
Pero aaminin ko, natuwa akong magkikita na kami. Ilang araw din kaya akong nangulila sa kaniya...
Ilang araw din akong nangulila sa singkit na matangkad.
Madami namang ibang gano'n, pero iba pa din kapag si Shaundrei.
Inantay ko sila sa salas. Si mama ay nagpaalam sa akin na iidlip. Ang kapatid ko ay tulog pa din.
"Tao po..."
"Naomi, buksan mo 'to, panindigan mo'ko."
"Putangina mo, baka tulog, 'wag kang maingay..."
"Naomi, panindigan--"
"I told you, shut the fuck up..."
Binuksan ko ang pinto. Bumungad siya sa akin. Naka-brushed up ang buhok niya. Halata ang puyat sa singkit na mata. Ngunit hindi iyon nakabawas sa kagwapuhan niya. Miss na miss na kita, sobra.
Niyakap ko siya agad.
"Saglit lang naman akong hindi---"
"Huwag mo akong digtahan."
Natatawa si Jake.
Nakasuot siya ng white na T-shirt. Naaamoy ko ang mabango niyang amoy. Namiss ko talaga ang yakap ng matangkad.
Napaka random ko naman mag-isip.
Parang sa dalawang araw na pagod ako, muli akong nakapag-pahinga. Namiss ko ding asarin siya sa personal.
Hawak niya ang kamay ko habang naglalakad kami.
"Alin sa mga katarantaduhan mo ang ikwekwento ko sa kaniya? May babaeng..."
Sumama ang tingin niya kay Jake. Pero hindi ko maramdaman na may pinagtatakpan siya.
"Anong silbi para magbiro ng katangahan?"
"Tanga! Hindi mo tanda? May babaeng baboy na inahin, tuwang-tuwa kang kamutin ang likod---"
"EH ANO NAMAN?! PARANG NAPAKA LAKING BAGAY---"
"SABI NG LOLA, KAHIT DAW DATI, TRIP MO NANG KAMUTIN ANG LIKOD NG MGA BABOY GAMIT ANG SANGA---"
"OH EH TAPOS?! ANO NAMAN?!"
BINABASA MO ANG
Snow On The Beach
Teen FictionVillain sa story ng iba, minsan naman...Narrator. That is how my senior year feels like. Egocentric at overthinker, napaka gandang combo...hindi ba? But someone made me see something from within.