Three

19 1 0
                                    

Naging maayos naman ang takbo ng klase. Medyo malamig ang panahon. Ako 'yung tipo ng tao na feel na feel ang buhay kapag maulan ang panahon. Iba kasi ang pakiramdam kumpara kapag mainit...

Umub-ob ako ng saglit.

Pinakikiramdaman ko ang sarili ko kung makararamdam pa din ako ng tulad ng nararamdaman ko last year. Kung a-andar na naman ba ang malawak kong imagination at mag-o-overthink. Kung sasaktan ko na naman ba ang sarili ko. Kung hindi na naman ba ako makakapag focus sa reality.

Pero hindi...Tipong pagmasdan lamang ang pagsayaw ng mga puno at mga panlalaglag ng mga ito kasabay ng hangin, na-a-appreciate ko na.

It's been a long time that I craved this peace.

"Matcha matcha bitter..."

Kailan kaya siya titigil?

"Hindi na ako bitter, maasim ka pa din?"

Narinig ko ang paghagikhik niya. Tuwang tuwa ba naman sa insulto...

"Anong pakiramdam na 'yung taong naging sanhi kaya naging matcha ka, nakikita mo araw-araw?"

Nagulat ako sa bigla niyang tanong.

Pero ni minsan...walang naging kuryoso sa nararamdaman ko ng ganoon.

"Hmmm..."ani ko at iniisip.

Kung noon,mag-o-overshare ako, ngayon hindi na...Wala na akong maisip eh. Ang nararamdaman ko ngayon, tila wala na...

Nagkibit balikat ako nang makabangon.

Ngumiti siya sa akin.

Why does this smile...looks so genuine?

Looks...feels so genuine...

Ngayon ko lang napansing hindi malaki ang mata niya ngunit mapungay. Matangos ang ilong niya at may magandang kurba ang pinkish niyang labi. Mas dehydrated pa kumpara sa pagkatao ko. Hindi ko kasi siya madalas tignan kase kung magtatagpo ang mata namin, mangaasar siya. Meron din siyang dimples na nalubog agad sa kaunting na pagngiti.

Aaminin ko, komportable ako. Ayoko din kase ng matatanong ako tungkol sa ganoon at kusa lamang akong magkwekwento. Ngunit noong siya ang nagtanong, hindi ako anxious.

"Edi matatag ka na, isa ka nang ice candy na matcha at hindi milktea..."

Akala ko may sasabihing matino. Pero wow, dahil poetic akong tao...There's something with that line.

"Malapit na kitang mahagip, promise."

Tawang tawa siya at muling nagsulat ng sinasagutan namin kanina. Magaling pala siya sa math...Magaling din sa Science. Nabasa ko ang essay niya para sa Philosopy kanina, hindi ganoon kahaba ngunit maayos ang structures at may sense. Maayos din ang gramatika.

Aaminin ko, nang tumigil naman siya ay naburyo ako. Nagtagpo ang mata namin ng ex ko nang mapalingon ako sa labas. Pero wala akong naramdaman miski kaunting kaba. Miski kaunting anxious.

Gawin banamang experiment, Naomi?

Hindi na pala ako nakakulong sa iyo. Ayos na pala ako. Nakalaya na ngang talaga ako.

Ano 'to, last page ng libro?

Pft...OA. Napaka OA na tao. Syempre hindi lang naman sa kaniya magsisimula at magtatapos ang kwento ng buhay ko.

Napatingin akong muli kay Teo. Natawa ako nang makita ang ArtWork niya para sa assignment. Pero patago lang, baka mamaya magalit...

"Hindi ka marunong magkulay?" Ani ko.

Pinigilan niya ang kaniyang pagngiti at itinago ang kaniyang gawa.

"Judger..."aniya.

"Tinanong ko lang naman..."

Snow On The BeachTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon