"Akala ko speech lang ang impromptu, responsabilidad din pala..."
Sa classroom kami naka-tambay ngayon. Dama ko ang sobrang pagod. Ayokong maging OA, pero napaka dali ko talagang mapagod kapag pressured sa ginawa.
Naka-upo kami sa sahig habang naka-bilog at nagkwekwentuhan.
Napatingin ako kay Teoshaundrei. Nagpalit siya ng damit, white na t-shirt at black na pants. Si Rayvven, gano'n din ang suot.
"Mga kasali ngapala sa Dance club..."
Malakas ang tibok ng puso ko nang makita siyang nakatayo malapit sa bag namin. Seryoso ang kaniyang muka at nagpupunas ng pawis. Basa ng bahagya ang kaniyang buhok. Nagpabango siya. Kahit talaga tindig ng taong 'to, attractive. Ang singkit na mata ay nakatingin sa baba.
"Tangina mo Jake, kung hindi dahil sa'yo nananahimik ang buhay ko ngayon..."
"Ako ang nanghihinayang sa talent mo eh..."
Nilingon siya ni Teoshaundrei. Masama siyang tinignan at maya-maya'y umambang babatuhin pabiro.
Nagtagpo ang aming mata kaya wala sa sariling umiwas ako.
Uminom ako ng tubig.
Ibang klase din ang ka-gwapuhan ng nilalang na 'to. Tipong effortless. Lalo pa't matangkad, nag-i-stand-out talaga. Pero kahit anong ayos kase ng buhok, bagay sa kaniya...
"Hindi ko man lang alam na kasali ka sa performance ngayon, ikaw talaga...Emcee pa naman ako, baka sa stage ako magwala."ani ko.
"Go..."
Maya-maya, oras na para bumaba. Lumapit si Teoshaundrei sa akin at binuhat ako na parang sako ng bigas. Napaka-random.
"Teo, ibaba mo ako..."mahinahon kong saway.
Hindi siya sumagot at tawang-tawa ang mga kaibigan namin. Nakakasalubong namin ang ibang section at napapahabol tingin. Idinamay pa ako sa pagiging main character niya...
"TEOSHAUNDREI. IBABA MO AKO."
Hindi siya nakinig. Nakay JL ang papel ng schedule, mabuti't kinuha.
Kakaiba talaga mag-isip ang tao na 'to. Isa pa, parang napaka gaan ko lang sa kaniya. Parang wala lang sa kaniya ang ginagawa niya. Nakikita kong kinukuhanan kami ni Rhianne ng litrato.
"HMANDA KA TALAGA SA AKIN KAPAG NAKA-BABA NA AKO!"
Ibinaba niya ako sa stage at tumakbo palayo. Bitbit ni Rhianne ang heels ko. Sinuot ko iyon at inayos ang damit ko. Lumapit ako sa administrators na parang walang nangyari. Nangingiting nagtatakang ini-abot sa akin ni teacher Agatha ang mikropono.
Lumingon ako sa crowd.
Surprise, hindi na ako villain na ex. Wala na akong pakealam sa validation niyo at ang mahalaga sa akin ay self improvement. Ang mahalaga sa akin ay si Teoshaundrei at ang mga kaibigan ko. Hindi na ako people pleaser. Confident na ako't hindi takot sa ano mang masasabi ninyo sa akin. Ako 'to, at hindi kung ano mang expectations o perception niyo. I own me, and that is the biggest flex I could have. Because being Naomi Kaivalyah Vasques is a flex.
Nagtagpo ang mata namin ng magaling na hapon. Ini-introduce ko sila.
Tumugtog ang intro ng YK. Serious mode yata siya ngayon, hindi gano'n ka-OA pero kita kong confident siya intro pa lang. Hindi siya ganoon tumitingin sa crowd.
Malakas ang tibok ng puso ko. Hindi ko magawang alisin ang tingin ko sa kaniya. Napaka-galing pala talaga niyang mag-sayaw.
"William, may pumalit na sa'yo..."
BINABASA MO ANG
Snow On The Beach
Teen FictionVillain sa story ng iba, minsan naman...Narrator. That is how my senior year feels like. Egocentric at overthinker, napaka gandang combo...hindi ba? But someone made me see something from within.