Twenty Nine

12 1 1
                                    

"Mama, ayaw ko..."

Iyan ang katagang napaka daming beses kong sinabi. Napaka daming beses kong nagmakaawang huwag niya akong iwanan.

Mama is the only mama that I have.

"Mama will do this for you..."

Umiling lang ako ng madaming beses. Ayaw ko pa din. Even if it is for me.

"SHAUN, HUWAG KA NANG UMARTE!"

Nagulat ako ng hilahin ako ng mama ni kuya Luke. Masakit, dahil mahigpit. Tinulak ko siya kaya sinipa ako ni kuya Luke. Natumba ako at mas umiyak. They all did nothing. I couldn't even stand because of the pain. I couldn't even breathe properly.

It was a never ending physical abuse. Even for a small mistake as a child who's too naive...

Doon muna ako nakatira. Si Daddy, nag-ta-trabaho. Ako, pinag-pa-pasa-pasahan ng mga tito at tita.

Ni isa sa kanila, hindi ako trinato na parang tao...o parang kadugo.

Pero ang pinaka matagal ko nang tinitirhan ay dito kay kuya Luke.

Pinagtatabuyan nila ako sa bahay palagi. Kaya ang ginagawa ko, halos sa bahay na ng mga katulong maki-tulog. They welcome me, as if I'm their child.

Kalaunan, natuto akong magtanim. Natuto akong mangahoy. Natuto akong mag-alaga ng mga halaman.

"May award po ako..."kwento ko kay Tatay Lando.

"Talaga ba, anak?"

"Opo! Best in math po ako! Tsaka po magaling daw po ako magsayaw!"

"Oh siya sige, magpapaluto tayo ng kalamay sa nanay Basyon..."

They become the only comfort that I have. They become the only family that I have. Sila ang nagpalaki sa akin habang elementarya pa lamang ako. Sila ang naging sandalan ko. Sila ang na-attend kapag may programa sa school.

Pero bukod sa kanila...

"Hoy! Teo! Nasaan magulang mo?"

Pinagtatawanan nila ako. Nang tignan ko sila ng masama, aamba silang babatuhin ako.

"Ikaw, hindi ka naman tinanong kung nasaan ang utak mo!"

"Tara na, nandito na ang brainy!"

Brainy. That is what they call him.

"Bakit hindi mo sila pinapatulan?"

Umiling ako.

Ayoko kase makasakit, ayokong maranasan ng iba ang nararanasan ko. Ayokong masaktan din ang iba.

Lumaki akong gano'n ang prinsipyo. Pero sa impluwensiya ng Jake Niccolo,natuto na din akong makipag-basag ulo sa eskwelahan sa murang edad.

"Kuya, anong kanta ni Barney?" Tanong ko kay kuya Matheo. Minsan lang siya umuwi, kaya kinukulit ko talaga sila.

May tinuro siya sa akin. Kawawa naman si Barney...Nagkasakit...

Pinaguusapan namin iyon ni Jake.

Sabi ni kuya Matheo, pwede daw kami maggawa ng bahay sa resort niya! Katulad noong ginawa noong indian sa napanood namin!

"RON MATHEO SANTIAGO JAVIER, ANO NA NAMAN ANG TINURO MO SA MGA BATA?!"

Minsan lang nasigaw si ate Colein, pagtatawanan pa.

Sa kabila ng impyernong nararanasan ko kakambal ng apilyido ko, natutunan ko pa ding maging masaya sa pinaka maliliit at walang kwentang bagay. Pati sa kalokohan, lalo pa't kukunsintihin ako ni kuya Matheo.

Snow On The BeachTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon