"Kamusta ang trabaho mo, anak?"
Napangiti ako sa tanong ni Daddy sa kabilang linya. Ang ingay-ingay ni Nancy, gusto daw niya pag-uwi ko ay ipagluto ko siya ng bananaque. Sari-sari din talaga...
"Kakasimula ko pa lang ngayon..."
Nakikipag kwentuhan ako sa kanila. Magaan na din ang estado ng pamilya namin. Hindi na kailangang mangibamg bansa ni Daddy...
Saglit kaming nagkwentuhan at bumalik ako sa mga bata.
Sobrang gaan sa pakiramdam.
Ngayon ko napagtantong bagamat napaka daming nag doubt sa akin, tama ang ipinaglaban ko.
Binabasahan ko lang naman sila ng kwento, pero tuwang-tuwa sila. Pero buong puso kong ginagawa ito. Hindi lang bilang trabaho. Mahal ko ang ginagawa ko.
"Anggaling niyo po mag-kwento...'yun po kasing Japanese, tawa lang ng tawa..."
Natawa lamang din ako.
Baka si kuya Matheo. Singkit kasi si kuya Matheo. Imposibleng si kuya Rohzian gayong alam kong seseryosohin ito ni kuya.
Pero...may kilala akong tawang-tawa sa mga pabula. Libangang pagtawanan habang pinapanood ang Peppah Pig...
"Japanese?"
"Mhm, anggulo naman ng pangalan no'n! Hindi ko maalala...Buhol buhol ang pangalan no'n bwisit na 'yun...Tatlo-tatlo sakri..."
"Shh...dapat hindi natin sinasabihan ng ganiyan ang ibang tao...Alam mo, doon sa kung saan ako nag-ta-trabaho,may tawa din ng tawa ng walang dahilan. May pa-iba-iba din ng pangalan...Baka taga-doon siya..."
Lumapit ang batang lalake sa akin.
"Ate...'wag ka na babalik doon...Ikaw na lang magturo sa amin..."
Napangiti ako at niyakap ang bata. Mas nalungkot ako nang makitang may mga peklat siya. Naalala ko amg kwento ni ate Yerin sa akin.
"Oo naman, hindi ako babalik doon...Dapat, iyong Japanese ang pumunta doon..."
"Oo! Tama!"
"Yey wala nang Japanese!"
Natatawa ang innerself ko. Bwisit...
Tinuturuan ko lamang silang muli. Pero alam niyo 'yung pakiramdam na...ang safe sa pakiramdam...
Pakiramdam ko, sa lugar na ito, sobrang ligtas ko. Naipakikita ko ang side kong hindi ko maipapakita sa iba. Pakiramdam ko, may nagbabantay sa amin. Parang kahit nasa trabaho, isa itong pahinga.
Naramdaman ko lang iyon...sa isang tao...hindi sa isang lugar...
"Mga bata, eto na si Jollibee!"anunsyo ni kuya Matheo nang buksan ang pinto.
"Huh? May Jollibee?"
"Walang sinabi na magkakaroon ng Jollibee..."
"Pero ayun! Meron! Ang daming pagkain! Thank you po kuya Matheo..."
Pumasok iyong Mascot.
Jollibee.
Mascot.
Mascot ng Jollibee.
Ikaw, ayaw na ayaw na kitang makikita.
Pero sa lahat ng naging mascot ng Jollibee, kakaiba ang pakiramdam ko sa mascot na ito. Hindi ko maiwasang mapangiti. Nakikita ko gaano ito ka-hyper. Tumatambing pa si gaga.
Sobrang hyper. Hindi nauubusan ng social battery. Magaling din magsayaw. Grabe ang footworks!
Pero ang footworks na iyan...Pamilyar...
BINABASA MO ANG
Snow On The Beach
Teen FictionVillain sa story ng iba, minsan naman...Narrator. That is how my senior year feels like. Egocentric at overthinker, napaka gandang combo...hindi ba? But someone made me see something from within.