"Hon..."
Kakatapos lang ng trabaho ko. Akong si isip bata ay nakisali sa paglalaro ng mga bata kanina. Huhu, malay ko bang naapekto na talaga ang adulthood sa akin at ganito ako kaagad kapagod.
Niyakap ko siya at sinandal ang sarili sa kaniya.
Bahagya siyang natawa sa akin.
"Anggulo ng buhok mo, tumalikod ka nga..."
Sinunod ko siya habang bakas ang pagod sa pagmumuka ko. Tama, nakipag laro ako ng watergun kanina. Nagulo siya lalo kasi hindi ako nagsuklay.
May pinuyod siya sa buhok ko. Nasaway pa ako nang tanggalin ko.
Sunflower na hairclip...
Nagniningning ang mata ko sa saya na tinignan siya.
"Nakita ko lang sa labas ng site..."
Niyakap ko siya ng mahigpit at hinalikan siya sa pisngi ng madaming beses.
"You told me that your favorite painting of Van Gogh was the one with sunflowers..."
Mas niyakap ko lamang siya hanggang sa kinurot na niya ang pisngi ko palayo.
Makulimlim na ngayon dahil hapon na. Nagsisimula nang mag-iba ang kulay ng langit.
"Anong pinaggagawa mo habang nasa opisina ko ako at ganiyan ka kapagod?"
Ampogi-pogi ng baby ko.
Umiling lang ako at sumampa sa likod niya.
"Hon..."ungot kong muli.
Naka-piggy back ride na ako sa kaniya ngayon. Kapag talaga si Shaundrei ang kasama, si Naomi at magiging tanga. Wow, rhyme.
Kapag siya ang kasama ko, it's either wala akong kamay at paa. Or utak, ganern.Pero may mata ako, hindi ako mapapagod na sabihin kung gaano siya kagwapo.
Sobrang safe ng pakiramdam ko kapag siya ang kasama.
"Ayan lang ba ang dala mo? Hmmm?"
"Mhm..."
Parang napaka dali lang sa kaniyang buhatin ako. Nakasalubong namin si kuya Matheo.
"Ayan tama 'yan pahirapan mo 'yan, pinahirapan ka din niyan mag-move-on noon..."
"Ayaw ko naman po talaga mag-move on, kaya pinakulam ko na lang siya, tignan niyo po pumanget..."biro ko.
Joke lang 'yun. Halata namang joke eh.
"Aba, sino kayang nagturo dito na magsinungaling habang wala ako..."
Grabe, ang hangin. Ubod ng hangin.
Talagang kahit naman yata asarin ko siya, ganiyan na kataas ang confidence niya sa sarili...Bumaba na ako nang nasa daan na kung saan may mga puno sa gilid. Narealize ko na gusto kong maglakad-lakad kasama siya.
Tumingin ako sa kaniya. Nangingiti siyang tinulak ako ng mahina at hinila akong muli padais.
He chuckled softly.
"Wala kang kiss sa'kin, wala talaga..."
"Asus...dumali."
Hinampas ko ang balikat niya.
Tumingin siya sa akin habang napakakagat labi.
"Naomi sobrang cute mo..."aniya at kinurot ang pisngi ko habang nakakagat labi.
Tinignan ko siya ng masama nang nasaktan.
Kumapit ako sa kamay niya habang naglalakad kami at pinagmasdan ang paligid.
BINABASA MO ANG
Snow On The Beach
Fiksi RemajaVillain sa story ng iba, minsan naman...Narrator. That is how my senior year feels like. Egocentric at overthinker, napaka gandang combo...hindi ba? But someone made me see something from within.