Seventy Four

14 0 0
                                    

He was the most unplanned and unexpected blessing that I have.

Noon, natatakot pa ako na baka hindi ako makaahon sa sakit at sa nakaraan na binubuhat ko araw-araw. Takot ako na baka...hanggang doon na lamang ako. Takot ako na baka gano'n na lamang ako. Na baka katapusan na ng mundo. Baka katapusan na ng buhay ko. Wala nang pag-asa at puros kadiliman na lamang.

Sabi ko, baka magiging hopeless romantic na lamang ako habang buhay at hindi na makaka-move on pa sa ex kong guitarist na nakita ko kung paano mag-grow.

Sobrang sakit noon para sa akin noong bata pa ako. Pakiramdam ko, ako ang villain na ex na hindi pa nakaka-move-on at pag-u-usapan ng iba.
Minsan naman, parang narrator ng love story niya na kapag makikita kong may kasama siyang iba...Pag-i-isipan ko ng kung ano-ano't sasaktan o kakawawain ang sarili ko.

Hanggang sa napagtanto ko na...'Di naman pala talaga gano'n ang buhay. Hindi porket gano'n ang kadalasang buhay ng mga ex ng "main character" sa mga teen fiction ay magiging gano'n ang buhay ko. Isinasabuhay ko kasi. Paanong hindi magiging gano'n eh pft...Takot akong harapin ang katotohanan. Hindi naman pala talaga sa perception ng iba ma-ba-base ang buhay natin. Hindi naman pala talaga sa maaaring sabihin ng iba...

Nasasa-iyo iyon. Pero syempre, mas nasa-sa-Kaniya.

Na pwede akong mabuhay na hindi na iniisip kung ano bang maaaring isipin nila sa akin bilang "ex ng main character".

Pero, wala ih...Mali talaga ako magbigay ng definition minsan.

Dahil hindi pala ang nakaraan kasama ang lalaking iyon ang definition ng buhay ko.

She's like a little flower dancing with the wind. The woman who prefer a cup of coffee instead of a cup of tea.
I don't have the enough words to describe her mesmerizing beauty...
Because she has more, more details that I adore
And beauty, not to brag, is the least of her.
She loves books, I love the way she look at me...But I am also inlove watching her look at something she loves.
And when she speaks, every word of her feels like it comes out from them, as if I'm reading something...
To read her, to read every version of her, to memorize them all...
But of course, my favorite one is the one in my arms right now. I will embrace her. I will watch her grow.
My silly little flower, I will watch her grow...Even though it includes letting go.
Letting go of every petals she will outgrow as I take care of her...

Bahagya akong naluluha sa ibinigay niyang notebook sa akin.

"So this is the words of how you describe me..."

Niyakap niya ako habang patuloy ang paglaglag ng nyebe. Malapit kami sa dagat. Bahagya nang madilim, it was a blue hour. Ngunit maliwanag pa din ang nakikita kong pamamaraan ng pagtingin niya sa akin.

"No words could describe you, ma'am...Not even a whole sentence. Not even a whole paragraph. Not even a whole book...I love you so damn much..."

Niyakap ko siya ng mahigpit.

"You..."

Mahigpit ko siyang niyakap. Hindi ko matuloy ang nais kong sabihin gayong naiiyak ako.

"You were the one who made me feel loved this much. This much that you made me feel that I don't have to change, but I am allowed to grow. Minahal mo...kahit ang mga parte kong hindi kamahal-mahal para sa akin. Pinaramdam mo sa akin na hindi ko kailangang magpanggap. Pinaramdam mo sa akin na kahit gaano ako ka-wirdo, kahit noong highschool pa tayo, mahal na mahal mo ako at interisado ka't na-a- appreciate mo. Kahit pa mga wala nang saysay na kwento ko, you made me feel so adored..."

Snow On The BeachTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon