"Anong nangyari noon? Mahirap ba ang camping..."
"Hmm...ang masasabi ko, masaya. Madami kang matututunan. Tapos, may naging crush pa nga ako eh."ani ko kay Jannah.
May camping kasi para sa mga bagong myembro ng Antioch. Ayokong sabihin na mahirap ang nadadanasan ko noong bakasyon na naganap iyon. Pft, totoo iyon, may naging crush ang tangang si ako at sa huli...nalaman kong may ka-talking-stage na pala. Grabe ang konsensiya ko noon, kaya simula noon pinangako kong hindi ako nagkakagusto basta-basta. Nakakatawang maalala kung gaano ako naging paranoid. Nakakatakot magkamali, sana...kung nahalata man noong lalakeng iyon dati...Hindi na nag-overthink pa iyong babae.
"Anong nangyari doon sa naging crush mo?"
Nakatambay kami dito sa simbahan ngayon, naglinis. Malamig pa din ang panahon, mahangin. Kasabay noon ay ang paglaglag ng mga tuyong dahon mula sa puno.
"Pft, nalaman ko na may ka-talking-stage na, sobrang konsensiya ko kase baka mamaya...kung nahalata man noong lalake, mabanggit niya doon sa babae, at maging sanhi ako ng overthink. Pero ipinagdasal ko na lang din, pinangako ko sa Kaniyang hindi ako basta-basta magkakagusto simula noon. Talagang na-bother ako..."
"Naomi, ang maliliit na pagkakamali...naiisip mo agad na ilapit sa Kaniya. "
"Oo, dahil ayaw ko nang lumaki pa 'yun. Nakakadala kaya...na sarilihin lang tapos isipin na kayang-kaya ko. Ayokong makasakit sa paraan kung paano ako nasaktan. Kaya Diyos ko, tulungan niyo po akong nawa'y hindi ko sila na-bother..."
Sumandal siya sa balikat ko.
Ganito kami madalas, ang-di- deep talk para mapagaan amg pakiramdam ng isa't-isa.
"Alam ko naman na hindi Niya iyon hahayaang mangyari..."
"Mhm...karma ko na din, camping na ganoon kasi...ano ano pang pinaggagagawa ko. Imbis na sa Kaniya ang atensiyon, nililipat ko pa sa iba. Kaya ayun, talagang binawi Niya. Kaya mabuti naang, simula noo'y talagang mas nakapag-focus akong inam."
"Pero tignan mo, binigyan ka ng hapon. Baka daw kasi gabi iyon, mas bagay daw sa iyo ang hapon."
Tinakpan ko ang bibig ko sa aking pagtawa. Bwisit, ubod ng babaw ng kaligayahan.
Napaka lamig talaga...
Nagpaalam na kami ni Jannah sa isa't-isa. Naglalakad ako ngayon ng mag-isa pa-uwi. Pero bago iyon, bumili muna ako ng ice-cream sa convenience store. Pinagmamasdan ko ang kalangitan.
Sana talaga, hindi ako naging sanhi ng overthink ng kahit na sinong kapwa ko babae. Ayokong maiparanas iyon sa iba. Sana'y imbis na ma-bother sila sa akin, maging masaya sila't ma-appreciate ang sarili. Nawa po'y dinggin niyong muli ang panalangin kong ito na paulit-ulit kong dinasal sa inyo noon.
May napansin ako sa relasyon namin ni Shaundrei. Dama ko na mayroon akong ka-relasyon ngunit katulad nito, malaya akong nakapagbibigay ng oras para sa sarili ko. Hindi ko naramdaman na may nahati sa akin. Na may parte sa akin na hindi na ako malaya.
Nang maka-uwi ako, tinignan ko ang cellphone ko. Napangiti ako nang makitang may notification mula sa kaniya.
Teoshaundrei:Sama ka mamaya
Naomi:Hindi ako sigurado kung papayagan ako
Teoshaundrei:Pinagpaalam na kita tapos pumayagMas lumaki ang ngiti ko. Ang lakas din ng loob nitong harapin ang nanay at tatay ko minsan eh.
Naomi:Saan?
Teoshaundrei:Wag ka na pala bawal daw ang bata don
Naomi:SASAMA AKOOOOO PLEASE?
Teoshaundrei:Dalawang araw don. Bibigyan na ba kita ng things to bring
BINABASA MO ANG
Snow On The Beach
Teen FictionVillain sa story ng iba, minsan naman...Narrator. That is how my senior year feels like. Egocentric at overthinker, napaka gandang combo...hindi ba? But someone made me see something from within.