Nang makapunta kami sa paroroonan namin kinagabihan, dito kami tumuloy sa isang bahay.
Concrete ang salas at ang dalawang kwarto ngunit kahoy ang kusina. Hanga ako sa structures...ang lakas maka-vintage at cottage core, promise. Maganda din ang disenyo ng bumbilya. Mayroon ding mga prutas sa lamesa.
Nasa Baguio kami ngayon. Puro puno at malayo ang agwat ng farm na ito sa ibang bahay. Pwera na lamang sa ibang kubo sa labas kung saan matutulog sila kuya Matheo. Ang kasama ko sa kwarto ay si Vivoree, pinsan din nila.
Tulog pa si Vivoree ngayon. Mabilis ko siyang nakasundo gayong madaldal siya at extrovert. Para siyang rays of sunshine sa sobrang palabiro.
Kaso, nagkaroon ng problema kanina...Nakasagutan niya si kuya Luke dahil nagpunta dito. Muntik pa niyang suntukin kung hindi siya inawat nila kuya Matheo.
Alam ko na...baka badtrip pa din siya ngayon. Kanina, kalmado siyang makipag-usap sa akin pero alam kong wala sa mood.
"Ate! Gising ka pa pala. Magkabaligtad kayo ni kuya Yoshawn, tulog mantika 'yun..."
Napangiti ako.
Alam ko 'yan, napaka hirap ngang gisingin. Noong sumandig sa akin, siya pang masama ang tingin nang gigisingin ko na. Tawang-tawa ako noon.
"Ate, kilala mo 'yung nagpunta kahapon? Si kuya Luke, sabi nila mentally unstable daw 'yun. Ang alam ko, obsessed siya noon kay ate Colein."
Mas lumapit ako sa kaniya.
Kahit naman mahilig ako sa psychology, hindi ko maiwasang maramdaman na creepy. Natatakot ako para kay ate Colein.
Pero, nandiyan naman si kuya Matheo.
Change script, natatakot ako para kay kuya Luke.
"Sana, hindi na nila hayaang pumunta dito. Makakagulo lang siya, tsaka kung totoo na unstable...mas mabuting ipa-check na kasi baka mas lumala pa. Malay natin, mamaya in a wrong way mag cope up..."
"Narcissistic din kasi. Siyang ikina-humble ni kuya Matheo ay kabaligtaran niya. Si kuya Matheo, laki sa kalye 'yan, sa side ng lola niya...nakakainggit nga ang childhood niya ih. Tapos naranasan niya as in lahat, pati ang pagtambay sa computer shops. Kabaligtaran ni kuya Luke, kase lumaki siyang masyadong spoiled. Ayun, hanggang adulthood ay nag-reflect. Mabuti na lang, ang pinsan naming hapon ay kay kuya Matheo nag-mana ng personality at kagwapuhan..."
"One hundred percent agree, mabuti na lang at si kuya Matheo...sa paraang gano'n pala lumaki. Ang saya siguro, ang LT kaya kapag magkwekwento si Teoshaundrei ng childhood ng kuya niya..."
Natawa din si Vivoree.
"Pero...ate, speaking of kuya Yoshawn...baka mahirapan kang makipag-usap sa kaniya ngayon, ganiyan kasi talaga ang ugali niyan. Kapag may pinagdadaanan o galit at wala sa mood, mahirap makausap. Talagang mauubos ang pasensiya mo sa kaniya."
Tama siya, ganoon ang naranasan ko noong new year. Kaya hanggang ngayon, gumaganti ako ng pang-a-asar sa kaniya kapag may tyempo ako.
Tumango na lamang ako at tinulungan si Vivoree na ipuyod ang buhok niya.
Nag-hapunan na kami. Nang lumabas para pumunta sa isang kubo na parang tent lamang, napalingon ako kung saan natutulog sila kuya Matheo.
Naglalakad na si kuya Matheo ngayon. Nakasuot ng barbie na pantulog.
"O diba, bagay naman sa'yo..."
"Mabuti akong pulis pero bakit kailangan kong mag-suot ng barbie na pantulog, sabi niya ayaw niyang sa akin mag-lihi pero..."
Nagpanggap si kuya Matheo na naiiyak habang binubulong iyon at sumasandok ng kanin. Umupo si ate Colein sa tabi ko habang nakangiti. Hinahaplos niya ang tiyan niya.
BINABASA MO ANG
Snow On The Beach
Teen FictionVillain sa story ng iba, minsan naman...Narrator. That is how my senior year feels like. Egocentric at overthinker, napaka gandang combo...hindi ba? But someone made me see something from within.