Thirty Eight

13 0 2
                                    

Nasa balkonahe ako. Kauuwi ko lamang galing eskwelahan. Hindi kami napagalitan sa maaga naming pag-uwi nang magkasakit ako dahil naging half-day din ang STEM noon.

Palubog na ang araw. Nasisinagan noon ang kapeng nasa lamesang kahoy, pati na din ang libro ko. Ang tapat namin ay ang kalsada. Pagkatapos naman ng kalsada ay gubat.

Ang bilis ng panahon. Noon ay tila sa nakaraan ko umiikot ang lahat. Tila sa sakit na misyon ko sa sarili kong mawala. Tila nabubuhay ako para mag-survive. Tila nabubuhay ako para magpatuloy sa madilim na daan na nag-lo-look forward ako sa liwanag.

Hindi na gano'n ang buhay ko ngayon. Aware akong...tapos na ang gano'ng phase sa akin. Inaalala ko kung kailan ako huling umiyak dahil doon o dahil sa kanila, 'di ko na maalala.

I used to hate love songs so much. Lalo kasing umiiral ang paggawa ko ng love story ng iba sa utak ko. Pft.

Pero akalain nga naman, ang bitter at egocentric na villain at overthinker na narrator ng love story ng iba ay nagpapatugtog na ng Terrified ngayon.

Sino bang author? Bayad niya ba sa'kin si Teoshaundrei? Bayad niya ba sa napaka tagal kong naging role? Isang school year din kaya iyon!

Hindi na ako takot sa past ko...Hindi na din naman ako takot sa future. Nakakakaba, oo. Kase madalas kong naiisip na pagkatapos nito, college na ako.

Dati lang, You're On Your Own, Kid by Taylor Swift ang theme song mo.

Hindi pa din ako maka-move-on. Iyong kaasaran ko noon, iyong lasing na nagbigay sa akin ng strawberry milktea...Bwisit...

Talagang pinagaling niya ang mga sugat na hindi ko kayang hilumin nang mag-isa. Akala ko noon, wala nang pag-asang mahulog ako ulit sa isang tao.

Tumingin ako sa langit.

Siya pala ang regalong pinapaghanda Niya akong matanggap.

Ayos lang sa kaniya kahit tulad nito, mas nagbibigay ako ng oras sa sarili ko. Kahit minsan, inaabot ako ng ilang minuto mag-reply dahil sa nagbabasa ako. Nang-a-asar siya, pero wala akong narinig na reklamo. Nagpapaturo man siya minsan sa eskwelahan, hindi niya pinabuhat sa akin ang mga responsabilidad niya.

Inaasar mo ako noon na bitter at nag-re-relapse, pero tignan mo ngayon...

Magtitiwala na lamang ako sa Panginoon, lalo sa pangunahin kong tanong na...hanggang kailan ba 'to.

Hindi naging perpekto ang relasyong mayroon kami, hindi namin maiwasang hindi magkaroon ng tampuhan. Pero matatagpuan ko ang sarili kong ngumingiti nang dahil sa kaniya.

Mas madaming beses na akong buong pusong natawa kumpara sa umiyak. Kaya din siguro hinahanap-hanap ko ang presensiya niya. Unconsciously man o consciously.

From villain na may dark background story to Romance Comedy, gano'n ba?

Naging sense of humor na naming magkakaibigan na gawing katatawanan na may author ang buhay namin. Iyon ang coping mechanism namin para sa mga pinagdadaanan namin. Sinasabi namin na baka pinagbubuntungan kami.

'Yung sa'kin, kamusta na kaya siya? Kung tulad ko ang nararanasan niya, nananalangin ako na tulad ko, may peace of mind na siya. Sana, hindi na maapektuhan ng mga taong nanakit sa kaniya ang psychological, mental, physical, emotional, or spiritual well-being niya. Sana...masaya na siya't bagamat may mga puntong naaalala pa din ang mga taong iyon, hinahayaan na lamang niyang lumipas ang toxic thoughts. Sana, siya naman. Ang hirap kasi ng pakiramdam na parang umaahon ka lang, at hindi umuusad. Ang hirap sa pakiramdam ng parang nahuhulog lang paulit-ulit at...kailangan magsimula ulit. Nakakapagod. Pero...sulit.

Snow On The BeachTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon