Eighteen

23 0 0
                                    

You peace must always start internally, hindi externally. Your peace must be you. Your peace must be within you.

Kahit gaano kagulo ang sitwasyon mo, kung maayos ang estado ng brain-waves mo... magiging maayos ka pa din.

"Rhianne, may a-aminin ako..." ani ko.

Lumingon sa akin si Rhianne habang naka-upo kami sa classroom. Pabiro pang na-side-eye ako. Maya-maya ay nangiti.
Magulo ang mahabang buhok na siyang sinusuklay ngayon. Nagkalat ang gamit miski sa table ko.

"Rhianne, nag-plano ako noon na lumipat ng school kaso ay hindi pumayag sila mama..."

"Ako din, hindi payag." Aniya at niyakap ako.

"You're not mad?"

"Mhm, naiintindihan kita kase mahirap naman talaga ang sitwasyon natin dito sa school..."

Siya talaga ang pinaka nakakaintindi sa akin. Siya ang pinaka magandang regalong natanggap ko noon.

Mga panahong hinayaan niya akong paulit-ulit ang kwinekwento hanggang sa naka-get-over ako.

"At least ngayon, ang gaan-gaan na ng lahat... Kase finally, nabitawan na natin ang kailangan nating bitawan..."

"And you're holding onto something else."

"Someone else hihi..."

Nakatingin na naman kay Jake. Sana talaga'y ma-She fell first but he fell harder ang mga 'to.

Pero sa tingin ko'y kailangan ko na ding aminin ang akin. Napatingin ako sa paligid kung may maka-ri-rinig ngayong recess.

"Rhianne... may aaminin din kasi ako..."

"Na ako ang type mo? Maliit na bagay."

"Rhianne naman..."

"Sige-sige... ano?"

Huminga ako ng malalim. Kinakabahan ako, pero parang hindi ko na din kase kayang kimkimin pa ng mag-isa.

"Crush ko si Teoshaun..." bulong ko.

Umirit siya. Nanlaki ang singkit na mata at napapatakip sa bibig.

Hindi ko naiwasang mas mapa-ngiti habang napupuno ng saya.

"Bitch?! Kailan pa..."

"Hmmm, matagal na."

Kinakalog niya ako.

Kami yata 'tong hindi nausohan ng talking stage. Sabi pa namin noon, sana'y may maka-slow-burn kami this school year. Biruan lang, hindi ko naman expected na napaka ganda pala ng plano ng Panginoon. Hindi ko alam na ang biruan namin, narinig pala niya. Hindi ko inaasahan, pero alam ko na noon pang mas maganda ang plano ng Panginoon kaysa sa akin.

Pero hindi ako sigurado kung hindi one-sided ang pagkakagusto ko. Naroon pa din ang posibilidad na kaibigan lamang ang tingin sa akin ni Teoshaundrei.

"Barney nagka-chicken pox, wala nang macaroni..."

Saktong-sakto ang liriko sa tono, ah. Kakaiba din talaga ang taong 'to.

Tawang-tawa din si Rhianne. Ganiyan din kase siya mag-biro. Pumapalakpak pa si Rhianne. Napaka-cute talaga ng bestfriend ko.

Sa sobrang cute, malapit nang matunaw. Pasimpleng naka-tingin si Jake. Nagpipigil siya ng ngiti.

"Rhianne, come here, I'm gonna show you something..."

Umirit si Teo nang makalapit sa'kin.

"Wala lang..." aniya nang lingunin ko.

"Siraulo..." bulong ko.

Snow On The BeachTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon