Fifty Two

11 0 0
                                    

"Happy Valentines, baby..."

Tapos na akong mag-ayos ngayon. May event sa school namin at bandang tanghali na. Ini-abot ko ang regalo ko kay Teoshaun. Kay Jake ako nagtanong ng idea. Si Teoshaun, kapag magbibigay ng regalo, gusto niya mysterious. Habit niya na bigla-bigla ko na lang makikita sa bag ko. Art materials iyon ang libro, may kasamang chocolate at bulaklak na yellow. Tuwang-tuwa ako kanina.

"Ano 'to O to the M to the G!"

Kitang-kita ko na na-a-appreciate niya. Pinagmamalaki niya iyon kina JL. Napangiti ako nang muli niyang lumapit sa akin.

May performance sila mamaya. Hinila ko ang braso niya palapit at hinalikan siya sa pisnge. Bumakat ang lipstick ko at nang pupunasan ko sana, umilag siya.

"Hindi mo aalisin."aniya.

"Halatang-halata..."ani ko.

"Dapat lang!"

Ang lakas din ng tama. Pinagmamalaki pa niya iyon kay Jake. Lumabas siya at pinapakita iyon sa iba naming kaklase. Napaka-hyper talaga kahit kailan.
Walang-wala ang enerhiya ko araw-araw,ano kayang gatas niya noong bata pa siya?

"Lovey lovey lovey..."

Nang makalapit naman sa akin, kinakalog ako nang kinakalog.

"Hmmm?"

"Samahan mo ako sa faculty, lovey...may inuutos lang sa akin..."

Tumango ako at lumapit sa kaniya. Napaka bango talaga ni Teoshaun...

May nakasalubong kami. Nagtagpo ang mata namin ng ex ko. Wala na akong nararamdaman na kahit ano.

Nang makababa kami ng hagdan, napatingin sa akin si Teoshaun. Hinila ko siya saglit palapit at tumingin sa paligid. Nang makitang walang ibang tao ay hinalikan ko siya sa labi. Napahawak siya sa labi niya habang manghang-manghang nakatingin sa akin.

"Si ate girl, malandi..."aniya habang naglalakad kami.

I mocked him. Akala mo kung sino kung makapag-salita. Pasalamat nga siya, hindi ako katulad niya na kulang na lamang ay lagutan ako ng hininga.

"Love isa pa..."aniya at tumawa.

"Akala ko, ayaw mo ng ganiyang callsign dahil sa callsign namin iyan noon?"

"Pake ko sa kaniya?"aniya habang naka- crossed arms.

Inirapan ko na lamang siya. Ngunit sapagkat singkit, mas mataray pa siya sa akin.

Hinampas ko ang braso niya. Nagkunwari siyang sinasabunutan ako.

"Malandi ka mangaagaw ng boyfriend..."aniya.

"Walang sa'yo, Teoshaun! Akin lang ang asawa ko..."

"Shut up! Bading, bading, bading ,bading!" Aniya at hinampas ang buhok ko.

Tinignan ko siya ng masama. Nakakagigil na natatawa pa ako. He is covering his mouth, looking at me as if I'm someone crazy.

Hinagip ko ang buhok niya kaya napatawa siya ng malakas.

"Baby...ahaha! Masakit!"

"Iyan ang bonding, shut the fuck up."

Binitawan ko na ang buhok niya nang makapunta kami sa faculty. Pakitang tao kaya ako. Kunwari hindi sadista.

May inaayos siya sa computer. Magaling ngapala siya sa electronics...

Seryoso siyang nakatingin doon.

Teoshaundrei is something when he's serious. Hindi ko maiwasan na mapatitig sa tuwing may ginagawa siyang bagay na propesyonal talaga siya.

Kinalwit ako ng isang teacher.

Snow On The BeachTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon