Fifty Nine

17 0 0
                                    

"Yabang!"

"Nawa'y lahat pasa agad sa board exam..."

"Santiago kami eh..."

Nag-i-ingay sila. Ako naman, nananahimik na lang hanggat walang kumakausap sa akin bukod kay Matthew. Mananahimik na lang ako. Gano'n dapat. Magtitino na lang ako.

Congratulations...Natupad mo na ngang talaga ang pangarap mo. Gustohin ko mang sabihin sa iyo iyon ng harapan, hindi ko magawa. Tanging hanggang isipan ko na lang masabi. Hindi nga kita magawang tignan ng matagal...

Itim na itim pa din ang maganda niyang buhok. Iba na ang hairstyle niya. Pero mas bagay sa kaniya ito...

Mas naging maskulado ang katawan niya. May itatangkad pa pala siya...

May igagwapo ka pa pala!

"Kamusta ang lovelife, Teoshaun?"

May lovelife na siya?

Pinipino na yata ang dibdib ko ngayon. Sobrang sakit. Mabuti na kang, niyayakap ako ni Matthew ngayon. Kinukuhanan pa ako ng picture ng bata. Hindi ko maipaliwanag ang sakit. Nakakapanlambot. Gusto ko nang umalis dito, parang ang hirap huminga. Dapat kase, nag-move on na ako. Pero kahit pilitin ko ang sarili ko, hindi ko magawa eh.

"Muka bang magkakaoras pa ako sa lovelife? Eh ang hayop na 'yan..."

Tinuro niya si kuya Rohzel.

"Kaka-graduate ko pa lang, may trabaho na agad ako! Hindi man lang naawa sa'kin..."

Thank you, kuya Rohzel. Kahit muntik na tayong mamatay sa pagtawa sa interview mo, isa kang blessing.

"Unbothered ang ate girl..."bulong ni Jake.

Umamba akong hahampasin siya.

Tawang-tawa lang sa akin. No choice tuloy na matawa din ako.

Pero nang hahampasin ko na,may humawak sa braso ko.

Hindi mahigpit, pero nagitla ako.

Hindi ako makatingin sa kaniya. Nanahimik ang paligid. Naaamoy ko ang pabango niya.

"Sabi mo, ako ang enemy mo...bakit iba ang hahampasin mo?"

Nag-i-ingay sila ngayon.

Kaniya-kaniya ng isinisigaw. Ako naman, tameme. Hindi ko alam ang sasabihin.

Binawi ko ang braso ko. Halos mag-twerk na ang puso ko. Papansin na puso.

Pero...hindi katulad niya...kaya kong umakto na parang walang nangyari. Na parang wala lang. Kanina pa ako anxious, pero siya...Ito.

Siguro, naka-usad ka na. Ako 'tong parang tangang umaasang makikita pa din ang naging boyfriend ko noon, kahit alam ko na hindi na ikaw 'yan.

Pinagpantay niya ang muka namin. He slightly leaned. Bahagya kasi akong nakatungo. Muli ko na namang nakita ang pilyong ngiting 'yan. Napaka layo ng agwat ng muka namin, pero ang OA na ng nararamdaman ko. Presensiya pa nga lang niya, halos magkaroon na ako ng heart attack. Tanda ko noong nakita ko siya aksidente noon sa post ni kuya Matheo nang mukang dinalaw siya, halos magwala na ako noon. Ang hirap itanggi na napaka gwapo nitong bwisit na 'to.

Papansin...Nananahimik na ako't nagpapanggap na hindi kami magkakilala, alam ba niya gaano kahirap 'yun?!

"Matthew, doon tayo mag picture..."

Tumango si Matthew at hinawakan ang kamay ko. Tumingin ako kay Teoshaundrei. Pilyong nakangiti habang napakakagat labi. Ayan na naman 'yang matang 'yan, hindi naman na ako nagiinom pero ako ang nalalasing!

Snow On The BeachTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon