"Ate, buti na lang ay naka-ahon ka sa past relationship mo, hirap no'n"
Napangiti ako habang naghahanap ng evaporated milk sa alfa-mart. Inutusan kasi kami.
Naomi, magdala ka na ng salamin, utang na loob.
Hanggang sa salamin ko, ikaw ang naaalala ko.
Teoshaundrei talaga...
"Hmmm? Mahirap, pero sulit."ani ko.
"Sabagay, andami mong natutunan..."
Pft, kung alam mo lang paano ako umiyak noon kay kuya Rohz. Sinasabi ko no'n na edi sila na ang main character. Sa huli, pagtatawanan namin ni ate Yerin lahat.
Naglakad na kaming muli nang makabili na.
Naomi, naiwanan ko kapogian ko sa grocery.
Hayst, hindi ko maitatanggi na miss ko na siya.
"Ate ate! Nandoon na daw si ate Yerin!"
At tinakbo namin ang pauwi kahit madilim.
Nang makita namin siya, nagmano din kami kay kuya Rohzian. Ewan ko, may vibes si kuya Rohz ng senador.
Tanda ko, kapag ganitong gathering, hindi ko ma-enjoy ang presensiya ng mga tao. Ano-anong pumapasok sa isipan ko, nag-o-overthink at nagaalala sa kung ano-ano. Hindi ko din naman maayos noon, hindi ko alam kung paano o bakit ba ako mag-o-open up.
Hinawakan ni kuya Rohzian ang ulo ko.
"Kamusta kayo?"
"Napaka tigas ng ulo, kuya, promise...Pero siya ang stress na ayokong mawala."
"Pareho pala tayo ng goal sa buhay eh..."aniya.
"Ano ako, stress?! Ang kapal ng muka mo ah!"
Umalis na ako doon. Ayokong ma-thirdwheel. Sus, bahala sila diyan.
Ang pinsan ko naman ay nakipag laro sa mga mas nakababata sa kaniya. Napaka liit talaga ng social battery ko, ubos agad.
"Naomi, grade twelve ka na, tama? Anong kukuhanin mong kurso?"
Ayokong sagutin, nakakatamad sagutin ang mga kamag-anak namin. Alam kong kwe-kwestiyonin lang nila iyon.
Pero kinulit nila ako at ayaw akong tigilan kaya sinagot ko.
"Psychology? Hindi ba, para sa baliw 'yun? Baka mamaya, una ka pang mabaliw. Pft, wala kang mararating diyan, tumulad ka sa pinsan mong nurse!"
Hindi ko na sinagot iyon.
Pero aaminin ko, sumama ang loob ko. Hanggang sa hindi ko namamalayan, tumutulo na ang luha ko habang mag-isa sa kwarto.
Nasanay akong ganoon kapag umuuwi dito. Mag-isa at hindi lalabas pwera kapag pupunta kina ate Yerin o kay Koleen. Ayoko sa kanila. Hindi ko din sila maintindihan, kung ano bang pinagmamalaki nila o pinaparating nila.
Mag-isa...
Teoshaundrei:NAOMI HINABOL SI JAKE NG GANSA
Natawa ako agad.
Naomi:At tawang tawa ka
Teoshaundrei: Hindi naman eh sige nga pano mo nasabi
Naomi:Kailan ka ba hindi tumawa kapag napapahamak si Jake
Teoshaundrei:Next life😊😊😊😊😊😊😊😊😊Kahit hindi ko pa nasasabi sa kaniya ang nararamdaman ko, napagagaan na niya.
Siya ang nagtulak sa akin na mag-psych ulit. Klarong-klaro pa din sa memorya ko. Siya ang nagparamdam na may tiwala siya sa akin. Na alam niyang kaya ko. Na mayroon akong potential.
BINABASA MO ANG
Snow On The Beach
Teen FictionVillain sa story ng iba, minsan naman...Narrator. That is how my senior year feels like. Egocentric at overthinker, napaka gandang combo...hindi ba? But someone made me see something from within.