Fourty Three

26 0 5
                                    

TW

"Teh, diba new year's resolution 'yun? Hindi Christmas resolution?"

Tumango ako.

"Ano banaman Gio, napaka bobo mo talaga kahit kailan..."

Kumakain ako ng Graham. Pinanonood ang dalawang siraulo na nagsisisihan.

Anong gagawin ko kung araw-araw namang pasko dahil sa kagwapuhan ng darling ko?

Natawa ako sa sarili kong naisip habang nakatingin sa cellphone. Napalingon ang dalawa sa akin at hinampas ako ng unan.

"Ate, si kuya Shaundrei? Nasaan?"Alex.

"Wala dito simula bakasyon eh..."

"Pero bakit parang masaya ka pa?"

"Hindi kase siya nagkukulang kahit malayo siya, pwe!"

"Tinatanong lang, ang yabang mo na ah..."

Pero umiiyak ako noong December twenty four. Sana hindi ipagkalat iyon ni Leon. Bakit pakiramdam ko, ambagal ng oras?

Habang tumatagal, mas lalo ko siyang na-mi-miss. Hindi kami hiwalay at maayos kami, pero nag-re-relapse ako sa kaniya.

Ang pinagkatampuhan namin ay noong nakita niya ang litrato namin ni kuya Yael, nagselos siya.

Inaasar ko pa din ngayon na ang mga pinagseselosan niya, siya ang type. Sabi niya, hindi pa din nila makita ang mama niya.

Iyon din ang isa sa sitwasyon na iniyakan ko ng sobra. Iniisip ko na napaka laking sakripisyo ang ginagawa niya, pero nauuwi sa ganoon. Mabuti na lang, nandoon ang dalawa niyang kuya-kuyahan. Dama kong sobrang pagod na din siya. Hindi ko na din tinatanong kung kailan ba siya uuwi.

Huling araw na ng taon 'to, pwede bang umiyak?

Ito ang taon na sinumpa kong magiging maayos ang lahat. Ito ang taon na tila pakiramdam ko, naayos ko ang sarili ko.

Natagpuan ko ang sarili kong naglalakad papunta sa milktea shop. Bukas iyon kahit madaling araw, kahit pasko, o kahit undas pa iyan.

Sakto, ang pinatutugtog dito ay The Man Who Can't Be Moved.

"Going back to the corner where I first saw you..."

Miss, palit tayo flavor, allergic ngapala ako sa strawberry!

Hoy! Ipa-prank ko sana ang kaibigan ko kaso umalis siya, kaya sa'yo na 'yan! Bye!

Hindi ako broken, pero dama ko iyong kanta. Iniiwasan kong pakinggan iyon noon, pero feel na feel ko na siya ngayon. Strawberry ang binili ko, 100 percent sugar. Masarap naman siya, sakto't kumain din ako ng maanghang kanina.

Kailan ka ba uuwi...Hindi ko na kayang magpaka-matured enough era dito. Hindi ko maitatanggi na gusto ko na din sana na umuwi ka. Ayokong maging makasarili. Pero kasi...

Nang pabalik na ako, sobrang lungkot ko.

Maghapon din kasi na parang hindi siya nagrereply. Hindi din siya online. Nagaalala ako.

Siya ang una kong binati kahit hindi pa New Year. Nasa bahay ang mga kamag-anak namin. Para ngang ayokong dito may celebrate eh. Hanggang sa nakita kong may chat si Jake sa akin.

Jake:Naomi, punta ka daw dito sabi nila
Nila ate Colein
Magchat ka kapag susunduin kita
MISS KO NA BESTFRIEND MO

Lumakas ang tibok ng puso ko, napangiti sa huli niyang chat pero may kutob ako. Kaso nga lang, mabigat ang dibdib ko. Bakit kaya?

Sabi ko, sunduin niya ako. Hindi din naman ako matagal nag-antay at dumating siya.

Snow On The BeachTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon