Fifty Three

8 0 0
                                    

W

Kaya maganda din na walang nagbabasa nito bukod sa author eh HAHAHAHAHHAHAHA

**************************************

"Ibig sabihin...kuya Renzo...naging pasyente po kayo ni ate Karina at nagkakilala kayo?"tanong ko.

"Oo, ang galing lang kase dahil sa kaniya, nahanap ko din ang kapatid ko..."

"Pang-teleserye, kuya!"

Ang Valentines, naging reunion nila dito.

"Oo, sinabi mo pa, aywan ko ba sa tadhana...Pinaglaruan ang buhay namin ni Rohzian."

Ngumiti ako. Akala ko sa TV lang nangyayari ang gano'n, sa mga Kdrama. Ngayon ko lang nakilala si kuya Renzo sa totoong buhay. Akala ko noon, masungit na mahirap ma- approach. Pero ka-chismisan ko na siya ngayon.

"Mabuti po nagkita kayo ulit..."

"Mhm, gulat nga ako sa ugali eh, 'di ko naman pinalaking ganiyan...Dati, tuwang-tuwa sa sardinas. Ngayon, takot sa isda."

Tama pala ang kwento ni ate Yerin sa'kin. Si kuya Rohzian, napaka intimidation pero takot sa Koi.

Hahanapin ko sana si kuya Rohzian. Ngunit nakita kong seryoso niyang kausap si Teoshaun. Mukang hindi biro ang pinaguusapan niya. Malakas ang kutob ko...

"Si kuya Rohzian po, hapon ang tatay niya?"

"Mhm, FBI. Iyon din ang amo ko. Ang ugali ni Rohzian, katulad ng sa tatay niya."

Napatango na lamang ako. Mga main character talaga ang kasama ko ngayon...

Muli akong napalingon kay Shaundrei. Nagtagpo ang mata namin at lumapit siya sa akin. Pakiramdam ko...may hindi siya sinasabi ngunit gusto ko sana sabihin niya ng kusa.

Ngumiti siya nang nasa harapan ko na. Bakit gano'n? Sobrang gwapo ng boyfriend ko...

"Mas maganda sa rooftop dito, tara?"

Sumama ako sa kaniya at napagtantong tama siya. Nagmamadali ako habang kalmado siyang naglalakad. Excited si gaga.

Tahimik lamang siya. Bakit parang masyado siyang seryoso ngayon? Ayoko ng ganito...

Pakiramdam ko kasi, distant siya.

Pero naisip ko lang...Tao lang din naman siya. Palagi siyang nakapabor kung saan ako magiging komportable. Sa tingin ko, dapat lang na ayos lang sa'kin kahit ganito siya...Kase napapagod din siya't nauubusan ng energy.

Mukang narinig niya ang iniisip ko. Hinila niya ako palapit paupo sa kandungan niya. Madilim dito. Wala ding ibang makakakita. Baka mamaya, dooplegonger 'to ni Teoshaun!

"Bakit?"una kong tanong.

"Ang haba ng kwentuhan niyo ni kuya Renzo, chismoso talaga 'yun..."aniya at isinubsob ang muka sa leeg ko.

Paano ako makikipag-usap ng maayos kung ganito...

"Oo! Hindi nga halata eh... Siguro dahil sa bihira lang din siya makipag- interact sa tao..."

Sobrang saya ko dahil sa nasa akin na muli ang atensiyon niya. Kanina, si kuya Rohzian lang ang kausap siya.

"K-Kayo din ni kuya Rohzian..."ani ko.

Nauutal ako dahil sa ipinaparamdam niya sa akin. Ito na siguro ang taon na ramdam na ramdam ko ang Valentines!

"Natagalan ba..."aniya at inaamoy ang buhok ko.

Snow On The BeachTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon