"Kuya Matheo...Pwede pong magtanong?"
Birthday ni Jake ngayon. Ang birthday talaga niya, kung kailan malapit nang matapos ang school year...May handaan sa kanila, pero nilayasan kami't nag-gala kasama si Rhianne.
Pero ang pinaka ipinagtataka ko, ang mga ikinililos ni Teoshaun. Hindi pa siya pumupunta. Hindi din siya masyadong nag-re-reply sa akin. Sa totoo lang, may namumuo nang tampo sa akin. Hindi ko din siya gaanong makita. Kapag magkasama kami, madalas naman siyang seryoso... Yayakapin ako bigla, pero...
Ang Teoshaundrei kong mapang-asar,nawawala na. Nawawala na ang golden retriever ko.
"Oo naman, ano ba 'yun? Basta huwag lamang numero sa lotto..."
Natawa ako. May pinagmanahan ka talaga, Shaun.
Nandito din si kuya Rhyle. Kumakain sila ng cake.
"Si... Shaundrei po, paano po siya pinalaki ng magulang niya?"
Malungkot na ngumiti sa akin si kuya Matheo. Sa naging ekspresyon pa lamang niya, alam kong masakit na. Kahit kasi nakangiti siya, halata ang pagpipilit. Bumigat bigla ang dibdib ko.
"Nako, mapapaiyak ako sa usapan nating 'to. Pero dahil malakas ka sa'kin, i-kwe-kwento ko..."
Bahagya akong mas lumapit. Inabutan siya ni kuya Rhy ng basahan na siya namang hinagis niya palabas ng bintana. Natawa ako.
"Si Shaundrei, wala siyang kapatid...Ang ama niya, pinagbubuntungan siya palagi ng init ng ulo. Ang ina niya, wala din namang magawa. Sinisisi ang bata na makinig na lang sa ama. Na sumunod lang sa ama't magiging maayos siya...Kumbaga..."
Namumula na ang mata ni kuya Matheo.
"Kumbaga...Lumaki siyang walang kakampi...Pero ang batang 'yan, mabait, iyong dalawa naming taga-tanim noon, naging malapit siya...Kaso, tangina talaga niyang si Luke..."
Tumulo ang luha ko. Naalala ko ang kwinento niya noon sa akin. Sobrang bigat sa dibdib.
"Alam mo, konting pagkakamali niya, pinagagalitan siya. Kahit kumakain, uutusan ng ama niya kaya hindi din makakain ng maayos ang bata...Nawawalan ng gana kapag nagtatampo. Naglilinis 'yan ng bahay hanggang gabi, pero pag-uwi ng ama, sisigawan dahil lang sa hindi daw pinagpagan ang upuan. Wala siyang natatanggap na suporta para sa kahit na ano..."
Dumating si ate Colein at niyakap ako. Hinahaplos niya ang buhok ko. Naaalala ko siya. Naaalala kong kung paanong sa kabila ng napagdaraanan niya, hindi niya iyon dinadala sa eskwelahan.
"Natuto siyang magluto, walang gagawa noon para sa kaniya eh...Kaya kapag may okasyon, alam mo, isinasama ko na lamang...Naaawa kasi ako. Lalo kapag graduation niya o recognition..."
Tinatakpan ko ang aking bibig, iniiwasan ang paghikbi.
"Si Shaundrei, kung tutuusin, lumaking mag-isa...iyan siguro ang sagot ko sa tanong mo...Pero malapit ang loob niya sa mama niya. Kaso nga lang, ayun at saglit lang sila nagkasama..."
Sinandal ako ni ate Colein sa kaniya. Bakit ba ngayon ko lang naisipang itanong 'to...Hindi din kasi siya mahilig mag-open up but when he does, it would make me really cry.
Masyado akong naging makasarili, alam mo ba 'yun? Alam mo, palagi akong komportable dahil sa'yo. Pero ngayong mga nakaraan na napapansin kong may pinagdaraanan ka, wala man lang akong magawa. Sobrang sakit. Sobrang hirap. Pakiramdam ko nga, pabigat pa ako. Dahil para sa akin, kailangan mo pa ding magpanggap na ayos lang ang lahat. Kahit hindi.
"Naomi, pwede bang magtanong si ate sa'yo?"
Napatingin si kuya Matheo sa amin. Ganoon din si kuya Rhyle. Tumingin ako kay ate Colein.
BINABASA MO ANG
Snow On The Beach
Teen FictionVillain sa story ng iba, minsan naman...Narrator. That is how my senior year feels like. Egocentric at overthinker, napaka gandang combo...hindi ba? But someone made me see something from within.