Seventy

31 0 0
                                    

"Gaga ka talagang bruha ka..."

Niyakap ni Rhianne ang braso ko habang humahagikhik.

"Naomi, Goodluck..."

"It was a honeymoon and you're acting as if I'm going to a war..."

Kapag talaga magkasama kami ng babaeng 'to, parehong lumalabas ang pagiging gaga namin. Pareho kaming nasisiraan ng bait. Kung ano-anong pinaguusapan namin.

"Pero Rhianne..."

"Hmmm?"

Nagtawanan muna kami bago nagtanong.

"Rhianne..."ungot ko dahil ayaw niyang umayos.

"Ito na, aayos na... Ano ba 'yun?"

"Anong pakiramdam ng... first..."

Mas lumakas ang tawa niya. Ganoon din ang naging sitwasyon ko. She cleared her throat.

"Masarap syem---"

"TUMIGIL KA NA! WALA AKONG NARIRINIG, WALA!"

Tinakpan ko ang tenga ko. Hindi man lang i-filtet...

"Para kang ano diyan, edi sana hindi ka na nagtanong noh teh?"aniya sa akin.

"Curious lang, kahit nagbabasa tayo ng gano'n sa Wattpad, syempre curious pa din..."

"Basta ihanda mo na sarili mo..."

"Tumigil ka na!"

Inaasar pa niya ako lalo. Ang gaga, niregaluhan ako ng pantulog.

Pantulog na ikawawasak ng pagkatao ko. Maroon pa ang kulay no'n. Anggaling ng babaeng 'to, sa'n ba niya natututunan 'to. Tanda kong umakma iyong padded na sando sa sinabi niya noon, gaga talagang bruhang 'yan basta pagdating sa kalokohan. Siyang ikina-cute niya, ikina bruha naman niya.

Pero hindi ko maiwasang mapangiti...Kasal na ako ngayon, may asawa na ako...Siya na ang makakasama ko araw-araw...Kasal na ako kay Teoshaundrei Santiago. Hindi ako makapaniwala...

Fangirl niya kasi ako eh.

Sobrang saya ko. Doon pa talaga kami kinasal sa kung saan nagsimula ang lahat... Sobrang memorable na ng lugar na iyon sa akin.

Huminga ako ng malalim habang nakangiti.

"Nag-re-ready si bakla oh..."

"Rhianne, I love you..."

"Tanga 'di ka naman no'n lalamunin ng buhay..."

"Hindi mo sure..."

"NAOMI STOP IT!"

Oh diba, hipokrito. Sasabunutan ko 'to eh. Parang kanina lang, intimidating pa siya sa paningin ko, ngayon...Ito't siya ang kasama ko ngayon at bride's maid ko.

Ang nakakatawa lang, si Jake ang kumuha bulaklak ko. Sobrang lala talaga ng humor nilang magkakaibigan.

Hindi ko makakalimutan ang araw na 'yun. Sobrang saya ko...

Pero syempre, hindi ko maiwasang kabahan. Si Rhianne kasi, ano-anong pinagsasasabi.

"Hon..."

Napalingon ako sa tumawag.

Asawa ko na siya, pero crush na crush ko pa din siya. Anggwapo-gwapo kasi niya! Asawa ko na siya, hindi ako mag-mo-move on sa fact na kasal na kami. Asawa ko na siya!

"Ba-bye beh Goodluck..."

"Baliw! I love you Rhiannedie Aguaz!"

Sumakay na ako sa kotse ni Shaundrei. Nakangiti lamang siya habang nagmamaneho. Muka namang hindi niya ako lalamunin ng buhay eh... Promise. Sobrang kalmado lang ng aura niya. OA lang talaga si Rhianne.

Snow On The BeachTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon