Nang matapos ubusin ang isang basong kape, inilagay ko na ito sa lababo. Nagtataka ako dahil sa nanginginig ang aking kamay. Nang maayos na ang sarili at makapag handa, sinigurado ko na wala akong naiwanan sa bahay.
Nang makalabas ako, napangiti ako nang makita ang dalawa sa labas.
Kahit papaano, naiibisan ang naramdaman ko sa bahay.
Pero ang inaakala ko, hindi nila mahahalata. Doon ako nagkakamali.
"Ayos ka lang ba Naomi? Namumutla ka...lalo ang labi mo..."Jake.
Pinagmamasdan ako ni Teoshaun. Napatutok ang kaniyang mata sa kamay kong itinatago ko.
"Uminom ka na ba ng gamot?"aniya.
Tumango ako. Hindi ko magawang magsalita ng maayos dahil sa nararamdaman ko. Hindi ko magawang makipagusap sa kanila bagamat gusto ko. Sobrang...lamig. kahit naka-jacket na ako. Hindi ako makahinga ng maayos. Tila may nakasakal sa akin.
Nakikiramdam sila, hindi na nila ako muna kinakausap ngunit halata ko na miya't-miya akong kinakamusta.
Pamilyar ang pakiramdam, hindi ko lang alam kung kailan ko ba naramdaman.
Nang makapasok sa classroom, napahahawak na ako sa dibdib ko. Nasa garden ang mga kaklase namin ng first class.
Nakita ko ang pagmamadali ni Teoshaun na lumapit sa akin.
May nakasalubong kami. Si Clydden at si Alden, kaklase din namin na papunta.
"----ang bago?"
"Oo, nasa story nakita ko..."
Napapansin ko ang pagtingin ni Clydden, lalo akong naparanoid. Kung ano-ano ang pumapasok sa isipan ko. Kung ano-ano na tungkol sa akin ang pinaguusapan nila. Kung ano-ano na nagpalala ng nararamdaman ko.
"Ayos ka lang?"
Hindi ko alam ang isasagot ko, dahil sa tuwing tinatanong ako ng tanong na iyan...Hindi ko sinasagot. Hindi ko alam paano ipaliliwanag na hindi. Lalo akong nahirapang huminga.
"Teo...mauna ka na..."
Tila wala siyang narinig. Inalalayan niya akong maupo sa aking upuan at kinuha ang tubig ko.
Hinawakan niya ang kamay ko ng saglit ngunit tila sa ginawa niya ay nakuryente ako.
"Malamig ang kamay mo ng sobra..."
Hinubad niya ang hoodie niyang maroon at isinuot sa akin.
"Ayos ka lang ba?"
Nakatingin lang ako sa kaniya. Ilang segundo. Sa ilang segundo na napatingin ako sa mata niya, nakarating ako sa ligtas na lugar---sapat na para mamuo ang luha sa aking mga mata.
"Teo, umalis ka na..."
"Alam ko kung hindi nagtutugma ang nararamdaman at sinasabi ng tao, lalong lalo na ang mga taong katulad mo, lalong lalo ka na. Kung inaakala mong papabayaan kita dito, ayoko. "
Nang sabihin niya iyon, tuluyang naglaho ang pagpapanggap ko.
"Dito ka lang, Teo...Hindi ko kayang mag-isa..."
Naglawa ang luha ko sa aking mata. Nakahawak lamang ako sa jacket niya. Inalis niya ang jacket niya at binalot sa akin iyon.
"Not again that I would let you suffer alone."
Nang ibalot niya ang jacket niya sa akin, nauwi iyon sa isang yakap. Yakap na nagparamdam sa akin na ayos lang ang lahat. Yakap na nagpakalma ng mga naiisip ko. Yakap na nagparamdam na walang problema. Yakap na nagpaparamdam na walang makasasakit sa akin. Yakap na nagpaparamdam na wala akong kailangang ika-bahala. Yakap na nagparamdam na...maaari akong maging mahina.
"K-Kung umalis ka...w-wag mo akong p-pagtatawanan ah..."
Mahina ang boses ko. Basag ito at sinisiguradong walang ibang makaririnig.
"Mhm..."
"Edi ini-stalk ko na naman acc n-niya, naghahanap ng magf-feed sa ino-overthink ko. Baka sobrang nagpapanic ako. Baka inaatake ng insecurity na...nagmumuka akong tanga sa sobrang lamang noon sa akin. Baka inaatake ng anxiety na ano ang maaaring sabihin ng iba sa akin. Baka inaatake ng anxiety na---"
He kissed my forhead.
Pakiramdam ko, nagamot ang mga nasa loob noon. Na tila naglaho. Na tila lumayo sa akin. Na tila
"Wag kang mag-alala..."
He chuckled softly. Malambing ang kaniyang pagkakakanta. Sa isang liriko, tila nawala ang mga naiisip ko. Ayoko pa ng kantang iyan noon, favorite ng ex ko at circle namin.
Dumaan ang ex ko, muka namang hindi napansin na may tao sa room, what a coincidence...
Pero...wala akong naramdaman.
"Naomi, you felt nothing after seeing him. Not in a way that I am gaslighting you. Pero Kai, I think it's really about how we perceive a lot of things."
Hinayaan lamang niya akong umiyak. Wala ako sa sarili ko. Siguro'y dahil sa pagod, puyat, kasabay pa ng anemia.
Ayos lang ang lahat, ligtas kaming nakapunta sa school. Ayos ang nararamdaman ko bagamat mayroon akong anemia.
"Wow, kahit wala akong problema...you jusy gave me a healing stage bruh"
"Tangina Jake..."
I chuckled.
"Ito, hindi porket iniisip mong ganoon ang nangyayari, ganoon nga. Kung ganoon nga, edi...wow? Bakit? Sino sila? Mas aalamin pa ba natin kung sino sila kumpara sa sino ka? Marcus says that we cant control things but we can control how we react to it. Isipin mo ikaw si queen Elsa at kung anong maging perception nila sa'yo, problema na nila 'yun. Huwag mong gawing problema ang mga bagay na walang konekta sa iyo. Nakakatakot, ano? Pero...mas nakakatakot kung hindi ka lalabas diyan sa isip mo. Mas nakakatakot diyan...Please, Kai, have the courage to step outside of your thoughts especially if it is not safe to that place anymore. Kayang kaya mo 'yan, Kai...promise. "
Tila bigla akong nagising bagamat hindi ako tulog.
"Tara na sa garden..." yaya ko. Sumunod silang dalawa.
Panginoon, salamat po sapagkat sa mga ganitong sitwasyon... hindi ko na kailangan pang maging mag-isa. Salamat po dahil sa mga ganitong sitwasyon, hindi ko na kailangang maramdamang walang nakaiintindi sa akin. Salamat po sapagkat nararamdaman kong mayroon na akong kasama.
Tama siya, nakakatakot ang naranasan ko noon. Na tila madilim na nga ang dinadaanan ko habang naliligaw, marami pa akong sugat habang mag-isa.
Ngunit ngayon, kung pagmamasdan ko ang tunay na nangyayari, ayos naman ang lahat...
Nang mapangiti ako, napangiti din silang dalawa.
Ngayon, pakiramdam ko...excited na ako sa maaaring mangyari sa mga bukas---na noon ay kinatatakutan ko.
Teoshaun and how he feels like my tomorrow.
Author's note
The situation actually happened to me last morning. Napagtanto kong sa sarili kong isip ako natatakot. Pero noong nakita ko siya, wala akong naramdaman. Wala lang eme eme lang. Ilang beses na tumutugtog ang Torete sa aking CP TEOSHAUN SINUMPA KO KANTANG YAN ALAM MO BA KASE NAGREREMIND SA KANIYA TAPOS NGAYON IKAW NA NAAALALA KO ANO BAAAAAA
WAAAAG KANG MAGALALA DI KO IPIPILIT SAYO KAHIT NA LILIPAD ANG ISIP KO, KOL MAGHIHEAL TAYOOOOOO GAGALING TAYOOOO~So, would you like to be the reason why I love and stopped skiping Torete covered by Moira?
BINABASA MO ANG
Snow On The Beach
Teen FictionVillain sa story ng iba, minsan naman...Narrator. That is how my senior year feels like. Egocentric at overthinker, napaka gandang combo...hindi ba? But someone made me see something from within.