Twenty Two

23 1 0
                                    

"Anak, nananaba ka ah... Nasaan si Andrei?"

Natawa ako kay mama habang kumakain ako ng ice cream. Pabiro pa akong nabatukan habang natatawa din sa akin.

Napaka-random naman kasing hanapin... Pero, tama ang sinabi ni mama.

Simula nitong mga nakaraan, kahit sila Rhianne, sinasabi na mas lumulusog nga daw ako. Tumataba daw ako at mas may gana na kumain... Ang lakas ko nang kumain at nag-a-agahan na ako.

"Lawayan mo't baka mabati mo..." Narinig kong sinabi ni Daddy sa kabilang linya.

Pati si Daddy, kilala na si Teoshaun. Kinakabahan pa ako noon dahil iniisip ko kung paano ko sasabihin sa kanila....

Kinuha ko na ang librong natapos ko nang basahin at tumaas sa kwarto ko. Nakatingin ako sa salamin. Naririnig ko ang mga insekto sa labas. Pinagmasdan ko ang sarili ko at napagtantong tama sila mama, nataba na ako kumpara noon na halatang may sakit ako. Bibihira na din akong magkaroon ng pasa, bibihira nang umatake ang anemia ko.

Simula nitong mga nakaraan, hindi na ako gaanong stress, bagamat may mga bagay na alam kong kung sitwasyon ng mas batang ako, baka napaka-miserable na niya...

Wala lang, hindi ko na ginagawang problema ngayon ang mga bagay na hindi naman sitwasyon ko.

Pero bukod doon...

Kumain ka muna bago ka umalis, Monami Kalabasa.

Tanggapin mo 'to, magtatampo ako kapag hindi mo tinanggap...

Magpahinga ka muna, huwag mong problemahin kung saan makakakuha ng materyales ang SSC, sasamahan kita sa Ayala Mall at may lisensiya na din naman ako.

Niyakap ko ang sarili ko. Napaka-layo na talaga sa sitwasyon ko noong grade-eleven ako...

Maya-maya, kahit kakatapos ko pa lamang kumain ng hapunan ay bumaba ako dahil sa nagutom. Saktong kagagaling lamang nila mama sa grocery. Lumabas ako ng terrace habang kumakain. Wala nang dumadaan dahil gabi na.

Hindi gaanong malamig dahil naka-jacket ako.

Nagulat ako nang tumawag si Jake.

"Hmmm? Bakit?"

"U-Umamin na ako..."

Nanlaki ang mata ko at muntik mahirinan.

Pinagusapan namin iyon. Naririnig ko ang bahagya niyang paghagikhik habang nagkwekwento ako kay Rhianne.

Miski mga simpleng detalye, interisado siya...

Naikwento ko din sa kaniya ang trauma ni Rhianne sa past relationship niya. Ayun, galit na galit si Jake.

May naisip akong itanong sa kaniya upang masulit ko din ang oras.

"Si Shaundrei, may naging girlfriend na?"

Bahagya siyang natawa.

"Oo, kaso ay nag-cheat sa kaniya... Born Again iyong babae, sumama sa camping ng church at pagkauwi, nanlalamig na sa kaniya. Iniwanan siya, sabi noong babae ay mag-po-focus muna siya sa sarili niya... Pero, nang tignan ni Shaun, may ka-talking stage nang iba. Putangina, noh?"

Wala akong masabi bukod sa nagdidilim ang paningin ko.

Nakakainis. Nakakabwisit na siyang napaka-bait, siyang ginagano'n ng mundo. Kung pwede lang maging karma nila at iganti si Teo, ginawa ko na.

"Minsan ang saya sundin ng mga intrusive thoughts, kaso may batas..."

Natawa siya sa sinabi ko. Hindi ako mapag-sabihan dahil sa mas malala ang nasabi niya sa ex ni Rhianne.

Snow On The BeachTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon