Mahirap talaga maniwalang totoo 'to. Parang nagluluksa lang ako kanina eh...
"Nag-re-relapse ka na naman ba habang nakatingin sa bintana?"
Nagmamaneho siya sa tabi ko. Delusyon ko lang ba 'yung nangyari kanina?
Hindi ko napansin na may tinanong pala siya. Tahimik lang ako. Natauhan lang ako nang dumampi ang palad niya sa hita ko.
"May tinanong ka ba?"
Umiling siya habang napapakagat labi.
Hinawakan ko ang kamay niya at hinaplos iyon habang nakatingin sa bintana. Nararamdaman kong unti-unting tumataas ang palda ko. Nakahawak siya sa may taas ng tuhod ko.
"Adik..."bulong ko. Talagang required na sa mismong balat ko nakahawak.
Kung nababaliw kaya ako ngayon...Sa reality ba...Nandoon ba ako sa kwarto at nauntog noong naliligo ako?
"Ano bang iniisip mo?"reklamo niya.
Tumingin ako sa kaniya.
"Kung nababaliw na ba ako ngayon..."
"Ako, oo, nababaliw na."
Hinahaplos niya ng thumb niya ang hita ko. Napangingiti ako ng patago.
"Malapit na ba?"aniya.
"Malayo pa..."
Niyakap ko ang sarili ko. Tinigil niya ang sasakyan at may kinuha sa likod. Coat.
Sinuot niya iyon sa akin at hinalikan ako sa noo.
Napatingin ako sa kaniya. Hindi pa din pala siya nagbabago... He's still like that. Natural ang pagiging maalaga sa kaniya.
Susulitin ko na talagang kulitin ka ngayon ng kulitin kase may karapatan na ako. Nahihiya pa ako sa'yo kanina eh.
"Shaundrei...ano tayo ngayon?"
Lumubog ang dimples niya.
"Liligawan kita sa ayaw at sa gusto mo. Hindi kita titigilan, kahit naman hindi mo ako pinansin agad. Pero akin ka na ulit..."
"AS IF MAY MA-E-ENTERTAIN PA AKONG IBA?"
"Sus, sabihin mo do'n sa crim magkaalaman kami sinong mas asintado."
"Pakealam ko ba do'n?"
Ngumisi lamang siya. Nagtatago siya ng ngiti habang mas tumataas ang palad sa hita ko.
Naaalala ko ang nangyari kanina. Nanahimik na lang ako. Nakakahiya...Bakit ko ba 'yun inaalala?! Bwisit ka Naomi, bwisit ka...
"McDo tayo, mag-relapse ka...pft! Ahahaha! I can't believe that you indeed didn't go to your all time favorite fastfood chain because of me..."
Aba, kung alam lang niya! Kung alam lang niya kung papaano ako nagdusa...
Pero naiisip ko din na baliw ngang talaga ako sa part na iyon. Ilang taon akong hindi kumain sa dalawang fastfood chain kahit nagmamakaawa na sa akin si Rhianne. Kahit binibilhan na nila ako ni Jake. Nagtiis ako sa mga mas mahal doon sa malapit sa university namin.Kahit nabwibwisit ako, natawa akong muli lalo.
"Alam mo, kahit may mga nagdadala sa'kin no'n, hindi ko kinakain..."
Nagbago ang facial expression niya. Mula sa genuine at sincere na tawa ay naramdaman ko ang awtoridad bagamat nakangiti siya.
"Sino?"
Mahina ang boses niya.
Mas tumataas ang palad niya. Mas tumataas din ang palda ko.
"Ganiyan ka pala magselos..."
BINABASA MO ANG
Snow On The Beach
Teen FictionVillain sa story ng iba, minsan naman...Narrator. That is how my senior year feels like. Egocentric at overthinker, napaka gandang combo...hindi ba? But someone made me see something from within.