"Ewan ko nga minsan kay Naomi anong nagustuhan sa chanak na 'yun..."kuya Matheo.
Inaasar kasi siya ni Teoshaun. Inuutusan ang mga bata na bigyan siya ng strawberry. Ayaw ni kuya Matheo sa strawberry, kahit amoy pa lang, pero hindi siya allergic. Si ate Colein naman, doon mahilig.
Gastos na naman ng gastos, ibinibigay na lamang ni kuya Matheo ang mga binibili ni Shaundrei kay Matthew. Mahilig din kasi doon ang bata. Nang magsawang maasar si kuya Matheo ay lumayas at nagpaalam na may aasikasuhin na site.
Ang hirap niya ma-gets, pwede namang manood na lang ng funny video o funny vlogs para matawa pero siya ang nagawa ng sarili niyang ikatatawa.
"Ikwento mo nga Naomi si Teoshaun, dapat mahaba ha..."kiya Rohzel.
Napangiti ako kaagad.
"Si Teoshaun...unahin na po natin sa panlabas na anyo kasi 'yun po ang pinaka bonus. Ang favorite ko pong feature niya ay mata niya, iyon din po ang palatandaan ko sa kaniya. Kakaiba po kasi ang pagkakasingkit...Nakakatakot po kapag seryoso...Ang cute nga po kapag nawawala kase nangiti siya. Isa pa 'yang dimples niya, ang dali lang po lumubog...Tapos matangkad po siya na masculine, kaya po siguro kahit ayaw niya sa facial hair eh muka pa din siyang dominant."
"Yieeeee, pogi naman talaga 'yang si Yoshawn kaso napaka hangin."Kuya William.
Natawa ako. Totoo 'yun, napaka lakas ng confident minsan sa sarili. Napaka random niyang sasabihin na anggwapo gwapo niya at ang perfect perfect niya.
"Sa sense of humor naman po...Medyo magastos siya mag-joke. Napaka random po at minsan hindi ko in-e-expect ang jokes siya. Kaya minsan, hindi ko alam kung nagbibiro siya o seryoso. Ang nangyayari po, natutuwa po ako na naiinis. Nakaka-stress po na wala din naman akong magawa kundi matawa. Nagagawa po niyang magbiro sa mga seryosong sitwasyon."
Tandang-tanda ko pa kung paano mo inaagaw ang mga matcha ko, bruho ka.
"Tapos pagdating po sa emotional and social intelligence, magaling din po siya. Hindi siya basta-bastang nagtitiwala. Tapos hindi po niya hilig i-take personally ang mga sitwasyon. May pagka- selfless kung magmahal..."
Kaniya-kaniya silang sigawan, naghahampasan pa.
Hanggang sa nagtututukan na ng baril pabiro. Sanay na ako, ganiyan ang humor nilang apat.
"Mana sa'kin 'yung batang 'yun..."kuya Matheo.
"Ako naman ang pinsan ih ahahaha!"kuya Rhyle.
"Papansin pabebe si Rhy putangina..."Kuya William.
"You all just shut the fuck up, I'm listening to her..."kuya Rohzel at pinagbabatukan ang tatlo.
Natatawa ako, kitang-kita ko ang mga personality nila.
Tumingin sa akin si kuya Rohzel, siya ang pinaka matinong kausap sa kanila.
"Saan siya mahilig?"aniya.
"Mahilig po siya sa maanghang na pagkain... Pagdating naman po sa dessert, hindi siya mahilig sa sweet and sour, gusto niya matamis lang. Ayaw din po niya sa bitter-sweets. Madalas pong white chocolate o vanilla ang bilhin niyang flavor..."
"Anong music taste niya?"
"Hmmm... Mahilig po siya sa kanta ni Elijah Woods, Cean Jr...Pero pansin ko po, mas madalas siyang makinig sa SUD..."
"Perfect plakado---"
"RHYLE I SAID SHUT UP I'M LISTENING TO HER! Continue, Naomi..."
Sobrang nature talaga ni kuya Rohzel.
"Hmmm...pansin ko po kase na hindi siya sa uso nabase, tapos lyrics ang punagbabasehan niya at matrip-an niyamg melody o beat. Gano'n po siya pumili ng kanta..."
BINABASA MO ANG
Snow On The Beach
Teen FictionVillain sa story ng iba, minsan naman...Narrator. That is how my senior year feels like. Egocentric at overthinker, napaka gandang combo...hindi ba? But someone made me see something from within.