"Ate, nandito sila tita!"
Ang aga-aga, tungkol sa mga matapobre ang maririnig ko. Ano ba 'yan, mas gusto kong maka-kwentuhan ulit ang younger-self ko sa umaga.
Nakakabwisit. Gusto ko kaagad umalis dito.
Binuksan ko ang pinto.
"Hoy payat!"
Si Alex lang ang pinsan kong pumapayag akong matawag na ganoon.
Sino ba 'yan.
Umakbay siya sa akin. Hindi kami close. Matagal ko na siyang na-cut-off kase ayoko sa presensiya niya. Sapat nang tinulungan ko siya sa academics noon. Basta hindi ako komportable sa kanila ngayon. Sawa na akong magpanggap. Nakakapagod na.
Tumango lang ako.
"Aba't nagsusuplada! Puro ka libro, hindi mo man lang kamustahin ang papa mo, eh kung ihampas ko 'yan sa'yo?"ani tita.
"Bakit ba pinapakialman mo ang bata, tsaka sinong may sabi sa'yo na hindi niya kinakamusta ang papa niya ate?sumagot ka muna sa tanong nitong si Cora, ilang taon na ang anak ng anak mong ka-edad ni Naomi?"
"Aba't anong gusto niyong iparating?"
Hindi ko na lang pinansin. Ano-ano na naman ang narinig ko. Na umayos daw ako, na sayang daw ang talino ko. Nakaka-drain, lalo pa't umaga pa lang ay ubos na ubos na ako.
Nagtungo ako sa kusina. Syempre, ang agad kong tatakbuhan...
Naomi:Shaun...I'm tired:(
Teoshaundrei:Nasaan ka? Puntahan kita? Nag-breakfast ka na hmmm? Who made my little Naomi tireddd
Naomi:Ayoko na dito, dadalaw sila para inisin ako
Teoshaundrei:Magtatagal ba sila diyan? Siguro mas nakakasuklam mga ugali nila sa pinanood natin noong bisperas ng Undas.
Naomi:Oo, magtatagal yata silaHuminga ako ng malalim at ininom ang kape.
Teoshaundrei:Edi magtatagal din tayo. Wait for me, magbihis ka na din.
Naomi:Ha?Bakit?
Teoshaundrei:Basta, pagdating ko diyan dapat ready ka na tumakas. Bring your books or whatever that could make you feel happy
Naomi:Seryoso ka ba?
SHAUNDREI
SUMAGOT KA
Why are you not answering now
Shaun?
Bakit ka nag offline bigla
Maliligo nakoSinunod ko siya. Kumain muna ako ng agahan. Naligo ako at pumili ng dress na susuotin. Floral ang nakita ko. Fitted ang bewang ngunit spaghetti strap at long-back.
Maga-ayos pa sana ako ng buhok nang...
Teoshaundrei:Your sundo is here, Princess.
Tumakbo ako palabas.
May nakita akong kotse. Sigurado ako na kaniya ito. Bumusina siya ng tatlong beses. Palagi niya iyong ginagawa, hindi ko alam kung inaasar ako o ano.
Pinagbukas niya ako ng pinto. Sumakay ako doon.
Himala at wala si Jake...
"Happy Halloween!"bati niya nang makasakay na ako.
"Happy Halloween!"
"Tara na."
Nang umandar ang kotse, para akong naging malaya sa kung ano.
Ayokong magkulong sa kwarto na maghapong naiilang. Maghapong bothered at hindi komportable. Maingay,nagtitiis. Ayoko ng gano'n.
Pero noon, wala akong nagagawa. Samantalang ngayon, may hapon nang kunsintidor ko sa pagrerebelde.
BINABASA MO ANG
Snow On The Beach
Teen FictionVillain sa story ng iba, minsan naman...Narrator. That is how my senior year feels like. Egocentric at overthinker, napaka gandang combo...hindi ba? But someone made me see something from within.