Twenty Six

24 1 0
                                    

"Nakakapagod ang event..."reklamo ni Rayvven.

Tapos na ang performance nila. Dance competitions na lamang ang ganap ngayon. Ang lamig dahil gabi na. Pwede nang lumabas ng school, ngunit ma-tao pa din gayong festival ito. Allowed ang outsiders.

Naka-tatlong palit na ng damit si Teoshaundrei maghapon. Pero favorite outfit ko ay iyong plain white...

Lumabas siya ng CR.

Ngumiti siya agad sa akin.

"Matagal ba? Nagpunas pa kasi ako ng pawis, hindi ako makakilos ng maayos kase masakit ang buong katawan ko..."

"Hindi naman..."

Lumapit ako sa kaniya at inabutan siya ng tubig. Sabay kaming lumabas ng school.

"Saan tayo mag-a-abang ng byahe?"

"Dala ko ang kotse ko ngayon, regalo 'to ni kuya Rohzel...Minsan ko lang ginagamit dahil sa nadala na lola sa amin noong muntik kami ni Jake mahulog sa tulay...We were just sixteen that time..."

Wow, ibang klase. Nireregalo lang ang pag-i-ipunan ng isang pamilya. Siya ang taong may maipagmamayabang pero hindi ko naramdaman na mayabang. Napaka-lowkey lang niya...

"Kayong dalawa talaga kapag magkasama..."

Natatawa siya.

"Mas malala nga lang sila kuya sa amin. Dati, muntik na daw sunugin nila kuya Rhylle ang buong eskwelahan. May bigla daw kasing ginupit na kable si kuya Rhy..."

Tawang tawa ako. Alam ko ang kwentong iyan, na-kwento na sa akin ni ate Eunha noon. Tawang tawa ako kapag naiimagine ko...

"Medyo malayo pa ang kotse ko, medyo mahaba ang lalakarin natin...Pasensiya na, doon kase nai-park ni kuya dahil sa masikip sa school...Sorry--"

Hinalikan ko siya sa pisnge bigla.

"Thank you, kuya Matheo. Alam na alam mong gusto ko ang night walk date kasama 'to"

"Ako, pagod na...chariz, kahit sa Manila pa niya i-park..."

Napatingin ako sa kaniya habang bitbit niya ang bag namin. Wala nang tao dito sa dina-daanan namin. Tanging Street lights na lamang ang kasama namin sa dilim. Tumingin siya sa paligid at nangingiting hinila ako papalapit. Niyakap niya ako at binalot ako ng jacket niya.

"Shaun...ayos lang ako, baka ikaw ang magkasakit niyan..."

"Malakas naman ang resistensiya ko, pft...alam mo kung bakit?"

"Hmmm...bakit?"

"Noong bata kami, mahilig kami maglaro ni Jake kapag tag-ulan. Tuwang-tuwa kami sa farm ni kuya Matheo kapag putikan. Ang hayop na Jake, kinuha ang mangkok sa kusina. Doon kami naglagay ng putik. I could clearly remember how we steal one of the candles from the chandelier. Ginawa naming kandila sa ginawa naming putik na cake. As naive as we are, kinain namin 'yun."

Tawang tawa ako. Sana'y wala akong magising dito. Lumapit siya sa akin at tinakpan ang bibig ko.

"Tawang-tawa ka diyan..."

"Tatawanan ko siguro 'to hanggang sa maka-graduate tayo."

"Sana, sabay tayong maka-graduate..."

Gulat akong tumingin sa kaniya at niyakap siya sa bewang. Napahawak siya sa buhok ko.

"B-Bakit?"

"Shaun, walang hidden meaning 'yun diba..."

"Pft, wala...Ikaw talaga..."

Bumitiw na ako ng yakap sa kaniya.

"Ano pang nangyari noong bata pa kayo?"

"Hmmm...noong may hinukay kaming malalim sa resort nila kuya...May ginagaya kasi kaming vlog ng indiano. Tuwang-tuwa kami kase inabutan pa kami nila kuya Matheo ng pala. Ayun pala, ginawa din nila noon. M-Muntik na kaming matabunan..."

Snow On The BeachTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon