Nagising ako sa ingay sa kusina, si Nancy ay nakanta. Naghahanda si mama ng umagahan. Umupo ako mula sa pagkakahiga at pinakiramdaman ang sarili ko. Malakas ang hangin sa labas gayong madaling araw na. Naririnig ko din ang mga ibon sa labas. Madilim pa din lalo't patay ang ilaw.
Naalala ko kagabi, ang dami kong natutunan sa usapan namin. Pero isang kataga lang ang magiging suma noon... Iyon ang kailangan kong i-improve sa sarili ko.
I need to be rational.
Mahirap dahil sa minsan... Mas nakukulong ako sa sarili kong nararamdaman imbis na alamin kung ano ba ang nangyayari. I expect people to be what I expect they are.
I must stop predicting the future based on the past. I must know that what other people are saying is a reflection of them.Tama na ang survival mode... Aandar ang buhay nila---gano'n din ang akin. Hindi ko dapat isipin na napagiiwanan ako ng panahon dahil lalo akong hindi magkakaroon ng sariling proseso. Hindi siguro sila gano'n ka-relevant sa story ko.
Nararamdaman kong excited ako pumasok.
Kase wala na akong kailangan i-overthink sa school. Wala na akong kailangang katakutan na baka ma-bother o mag-delulu ako.Nagpapasalamat ako sa Panginoon na talagang may rason ang bad-days ko minsan. Ngayon, binigyan niya ako ng peace of mind. Tama na. Tinatanggalan ko ng karapatan ang sarili kong maging masaya sa pamamagitan ng pagiisip sa ano bang sasabihin ng iba. I choose not to be infected with their bullshits.
Hindi porket ine-expect nilang masasaktan ako, masasaktan na ako. Hindi porket ine-expect nilang mahihirapan ako, maiilang ako. Hindi porket ine-expect nilang may pakealam ako sa kanila, may pakealam nga ako.
Bakit ako makikinig sa mga taong ayaw ko naman maging katulad?
Bakit ko bibigyang depinisyon ang sarili ko base sa mga taong hindi naman ako kilala?
Bakit ako magbibigay ng emotional availability sa mga taong wala naman nang ambag sa akin?
Ego ko. Ego ko ang gagawa noon, pero I choose to step on my own ego.
Tatalab lang ang katangahan nila sa akin sa oras na tanga din ako.
But my principles would never allow that. First, the world is so big to revolve around them. Second, buhay ko 'to at dapat lang na iikot ito sa akin. Third, a lot of people just don't deserve a space in my state of mind. Fourth, hindi ko dapat problemahin ang mga bagay na wala akong kontrol. Fifth, I would be fine without them---and sixth, ego is the enemy.
"Good morning, Naoki..."
Ayos naman na ako ngayong school year eh... Hindi ko sasabihin sa sarili ko na wala siyang proseso gayong alam ko na meron.
Pa'no ba 'yan, isa na akong ice candy na matcha...
Pft.
Inayos ko ang kama ko at bumangon na.
"GOOD MORNING ATE!"
Bumitin sa akin si Nancy. Hinila ko siya paalis dahil baka pareho kaming mahulog.
Nagkape ako.
Pero... napagsabihan na ako ni Teo na kumain bago umalis...
Natagpuan ko ang sarili kong nagaagahan at nagkakape. Pinipigilan ko ang pagngiti.
Napaka lamig ng tubig maligo, kaya natatawa ako sa sarili kong nanginginig sa lamig.
Inayos ko ang salamin ko.
Bakit ba ako nangingiti... Hindi talaga ako makapaniwala na masaya talaga ako ngayon at hindi simpleng distracted lang.
Nang lumabas ako, bukas pa ng kaunti ang street lights.
BINABASA MO ANG
Snow On The Beach
Teen FictionVillain sa story ng iba, minsan naman...Narrator. That is how my senior year feels like. Egocentric at overthinker, napaka gandang combo...hindi ba? But someone made me see something from within.