Seventy Three

75 0 0
                                    

"Alin ang mas bagay, ito or ito?"ani ko at itinapat ang dress sa akin.

Bihis na siya nang lumabas ako ng CR. Pasko na ngayon at naghahanap ako ng suot. Nagiisip ako kung green ba or red.

Ang hirap pumili...Siya na lamang tuloy ang pinagdedesisyon ko. Pero ang mata, wala sa damit, nasa akin na naka-tapis lang ng tualya...

"Red." Sagot niya.

Tumango ako habang nakangiti. Muli akong tumingin sa kaniya at napapansin na nakatitig siya sa akin. Komportable na akong makita niya ako ng ganito, nakita na yata niya ang lahat sa akin.

"Shaun...anong oras daw ang punta nila dito?"

Hindi siya sumagot agad.

"9:00..."

"Gabi na din pala, mapupuyat ang mga bata..."ani ko.

Nagtataka akong napatitingin sa kaniya nang nag-i-iwas siya ng tingin habang naka-upo sa kama. Maasar nga.

"May pagnanasa ka talaga sa'kin..."

Hindi siya sumagot ngunit nakita kong tinignan ako saglit ng masama.

Umupo ako sa hita niya paharap sa kaniya.

"Noong nakipag-kita ako kay Rhianne at nagkita din kami noong criminology--I mean PO1 Andres na pala siya ngayon, iyon pa din ba ang ikina-se-selos mo?"

Tumingin siya sa akin ng seryoso, hindi ako kinikibo.

"Shaun naman eh..."ani ko at mas idinais ang sarili sa kaniya. Hinawakan ko ang pisngi niya ngunit hindi pa din siya nagsasalita.

Minamasahe ko ang balikat niya. Baka nananakit na sa pagbubuhat ng relasyon namin.

"Bakit ako magseselos?"

Kinabahan ako sa tanong niya.

"Simula kagabi na sinundo mo ako, hindi ka gaanong nagsasalita... Nakatulog ako kaagad dahil sa pagod at hindi nakapag-paliwanag..."

"Oh, bakit ako magseselos?"

Namamaos ang boses niya, pilyong nakangiti at itinukod ang kamay niya sa kama. Nakalalasing ang paraan ng pagtingin ng mata niya sa akin, parang malapit na akong matunaw.

Luluhudan. Uupuan. Magpapawasak.

Ay hindi, joke.

Ay hindi joke.

Alin ba ang mas maganda dito...

"Kasi, pinagselosan mo na siya noon...Tapos, wala naman akong intensiyon na magkita kami, coincidence lang... Hindi ko din sinasadyang makita siya habang may tampuhan tayo kahapon...at hindi kita pinapansin..."

"Weh?"

Tumango ako ng madaming beses. Umiigting ang panga niya habang nakangiti.

Inaantay ko ang sasabihin niya habang nakatingin lamang sa kaniya at nakahawak sa balikat niya. Bahagya lamang siyang nakangiti. Lumilipat ang tingin niya sa labi at sa mata ko.

Nagita ako nang yakapin niya ako bigla padais at sugurin ang labi ko. Inangkin niya ang labi ko bigla at pinasok ang dila niya sa bibig ko.

Napahahawak ako sa buhok niya at sa balikat niya habang napadadaing dahil sa ikinikilos niyang tila uhaw na uhaw at gigil na gigil.

Binitawan niya ako at tumingin sa akin. Dinampi niya ang labi niya sa noo ko. Saglit siyang nanahimik at nararamdaman ko ang paghinga niya.

Bigla namang tumunog ang cellphone niya.

"Hindi pa tayo tapos..."istriktong banta niya nang tatayo dapat ako.

Sinagot niya ang tawag habang hawak ang bewang ko. Tinatanggal din niya ang tualya ko at tinatanggal ang zipper ng suot niya habang may kausap sa cellphone.

Snow On The BeachTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon