Fourty Eight

21 0 0
                                    

Warning:

LT ni Shaundrei HAHAHAHAHA

**************************************

It was blue hours when I woke up. Ang natitirang lamparang buhay ay iisa, at iyon ang malapit sa amin. Bahagyang bukas ang bintana. Makalipas ang ilang segundo'y napagtanto ko kung nasaan ako.

Ang braso niya ay siyang kinauunanan ko. Ang isang braso niya ay nakapaligid sa bewang ko. Nakamamanghang hindi ako nahulog sa sofa. Napaka kulit ko kasi...

Totoo ba 'to? Baka may schizophrenia ako...Pero pakiramdam ko, totoong-totoo. Nararamdaman ko ang paghinga niya. Sa tingin ko'y malalim pa ang tulog niya. Anong gagawin ko? Babangon na ba ako? Ang bango ni Teoshaundrei...

Kaso, napatingin ako sa braso niya at nanlaki ang mata nang makitang may pasa ang pinagkakaunanan ko.

Dahan-dahan akong umalis sa pagkakaunan doon at bahagyang bumaba. Nagawa pa niyang matulog...ang taas siguro ng pain tolerance niya...

Hindi siya nagising.

Napatingin ako sa kaniya. Maamo ang muka niya kapag tulog, kita ko ang pagod. Kitang-kita ko kung gaano niya ka- deserve ang pahinga.Pikit siya at nakikita ko ang pilik-mata niya. He have an uneven yet thick eyelash. Matangos ang ilong niya. Pinkish ang labi labi at dehydrated. Maskulado din ang katawan niya, ngunit hindi naman tipong katulad ng kay kuya Matheo. Bukod doon, maputi din siya. Grabe, unan ko ang biceps.

Alam mo, sa dami ng dinadala mo sa buhay, na-manage mo pa talagang maging gwapo...noh?

Napaka sarap titigan ng muka niya. Hindi ko napigilang hindi haplusin ang buhok niya.

Ilang beses na bang nangyari na...Nagkaroon ka ng pinagdaraanan na wala ako para masandalan mo? Kase ako mismo, sa'yo nakasandal.

Napaka tatag mo kasi...Kaya ako 'tong nilalamon ng konsensiya palagi.

Nagitla ako nang hawakan niya ang wrist ko kaya bahagya akong bumangon. Ngunit hinila niya akong muli at niyakap ako pasandig sa kaniya. Patago akong nangingiti.

"Gising ka na?"

Paos ang boses niya, mahina at malambing ngunit malalim.

Umiling ako at mas humilig sa dibdib niya habang nakapikit at nakangiti.

"Sinungaling..."

He chuckled softly.

Tila na din ang ulan.

"Magigisa ako ng kuya Matheo kapag nalaman niyang ganito tayo natulog, alam mo ba 'yun?"

"Hindi naman niya malalaman..."

"Naomi, Naomi, Naomi...my little Naomi..."

Sinasabi din niya iyan noon...

"S-Shaun, may...pasa ka..."

"Ito ba? Nang magkasagutan kami ni kuya Luke, pinapagtulungan nila ako noon ni kuya Daniel bago ako nakita ng kuya...Naitulak ako at tumama sa nakalimutan ko na kung saan..."

Humihikbi ako kaagad. Mabuti na lang, nandoon si kuya Matheo. Napapansin kong nag-panic siya nang umiyak ako at mas niyakap ako.

"Shh...B-Bakit ka umiiyak?"

Bumangon ako ng bahagya at umupo sa tabi niya. Hinahaplos ko ang pasa niya. Tumutulo ang luha ko.

"Teoshaun..."iniiyak ko ang pangalan niya.

Awa. Awang-awa ako sa kaniya. Bakit ba siya ginagano'n ng mga tao nang hindi iniisip ang sitwasyon niya. Nangungulila sa ina, tapos ang papa niya...halos abandonahin na din siya.

Snow On The BeachTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon