Thirty One

12 1 0
                                    

"Nakaka frustrates din noon, alam mo 'yung pakiramdam na akala ko ayos na ako, pero dadating ang punto na kapag nandiyan sila...Wala na. Umaasa ako noon na dadating ang sitwasyon na kahit sana nasa paligid sila, ayos lang ako. Pero kase, pakiramdam ko noon, ang daya ng tadhana...Kase kahit mga taong malalapit sa kanila, anxious na ako agad. Hindi ko alam. Pero madalas, na-bo-bother lang ako kapag gutom ako o pagod. I don't know if it was a body reaction or there's something wrong about me. Gustong-gusto ko na noon gumaling dahil pagod na din ako, na sa eskwelahan...Hindi ko man lang magawang mag-enjoy. Napaka bilis kong ma-bother sa mga tao. Sobrang hirap, dahil nahihirapan ako miski sa pag-a-aral."

Nakikinig si Teoshaundrei at Jake sa akin. Tulog si Rianne sa balikat ko ngayon, hinahaplos ko ang buhok niya.

"Pero kapag nakakapag-pahinga ka noon, nagiging okay ka din?"Teo.

Nag-isip ako. Tumango ako.

Nagtatanong kase sila sa akin, kwentuhan ko daw sila ng tungkol sa buhay ko noong grade eleven pa lamang ako.

"Oo, minsan...Tsaka kapag busog na ako. O kaya naman minsan, kailangan ko lang talagang i-iyak. Madaming beses na parang may nag-udyok sa akin sa isipan ko na kausapin sila ulit. Pero madaming beses ko din na-realize na mas mabuting hindi na."

"Pero Naomi, edi sobrang hirap noon kapag nakikita mo sila ng bago niya?"Jake.

Tumango ako. Lumungkot ang muka nilamg dalawa. Damang-dama ko ang concern nila, damang-dama ko ang interes at atensiyon.

"Oo, noon 'yun. Ano-anong iniisip ko, pft...Na baka mag-de-date, gano'n. Na baka mas maayos ang trato niya doon kumpara sa akin. Na baka mas better iyon sa akin...Baka mas maganda, baka iyon...close sa mga kaibigan niya."

"Kailan mo na-realize na hindi iyon ang definition mo at ikaw ay ikaw at hindi sila ang basehan"Jake, ngumiti sa akin. Diretso niyang sinabi na siyang nagpangiti sa akin.

"Hmmm...nitong bakasyon, lalo na ng makilala ko 'to"ani ko at inayos ang buhok ni Shaundrei.

Nakita kong kanina pa pala gising si Rhianne.

"Totoo naman kase, hindi iyon ang definition niya. Siya ay siya. Kaso ang hirap kase kapag traumatized ka, kahit alam mo na ang worth mo o kahit maayos na ang situation mo...Nandoon pa din ang body reaction na hindi siya komportable kapag malapit 'yun. Pero ang tatag lang niya, kase nalampasan niya mag-isa...I mean oo nandito kami, pero hindi niya kinailangang gumanti. Hindi niya kinailangang kausapin o sisihin at lalo na sumbatan sila. Parang strangers lang, pero sa totoo lang...alam kong napaka sakit..."Rhianne at mas niyakap ako.

Kilalang kilala niya ako. Iyon ay dahil sa isa siya sa nandito para sa akin. Sobrang laking tulong ni Rhiannedie. Sobrang-sobra. Kahit sa mga sitwasyon na sobrang chaotic, kalmado ako dahil sinamahan niya ako.

"Hirap kaya, lalo kapag may events sa school... Feeling ko gusto ko na lang umalis. Pero ayokong tumakas. At tama ang ginawa ko. Sobrang nakatulong noong mas hinarap ko, kase nagsimula siya sa sobrang apektado ako, hanggang sa naging moderate, hanggang sa naging wala na lang...Hindi naman dumali ang sitwasyon, nasanay lang ako. Mas naging matatag lang ako."

Ngumiti ang dalawa.

Naisip ko lang na iba siguro ang pakiramdam kung wala pa din sila. Baka din buryong-buryo kami ni Rhianne. Isa pa, kahit kase simpleng pag-u-usap nila, entertaining. Hindi sila cringe. Hindi nakakasawa ang presensiya nila.

"Hirap no'n..."Teoshaundrei.

"Madali na nga ngayon, bakit ba mahirap ng mahirap aalalahanin mo? Tarantado ka pala eh."Jake.

Tawang-tawa si Teoshaundrei.

"Mahirap naman talaga ah! Sinabi ko lang ah!"

"Madali na nga ngayon. Mahirap dati, pero madali ngayon. "

Snow On The BeachTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon