Thirty Five

7 1 0
                                    

Ang pakiramdam na parang ang dami kong naranasan, pero parang ang bilis lang din ng oras.

"NAOMI!"

Nilingon ko si Rhianne. Naglalakad kami ngayon papunta sa favorite naming small café. Rainbow ang pangalan noom, akma sa makukulay na memoryang nabuo namin. Uwian na ngayon. Naririnig ko ang tunog ng mga sasakyan sa kalsada. Hapon na din at katatapos lamang umulan. Malamig ang panahon.

Noon, kapag ganito, may kinatatakutan akong makasalubong. May kinatatakutan akong makita. Paulit-ulit kong ipinagpapasalamat na hindi ko na nararamdaman iyon ngayon. May kinatatakutan din akong maalala. Ngunit ngayon, bago na ang mga memoryang naaalala ko.

Hindi na ako takot sa mga bagay na hindi ko na kontrolado.

Masaya akong nakapaglalaan ng oras kasama ang matalik kong kaibigan. Madami nang sasakyan kapag ganitong oras. Habang naglalakad kami, ramdam kong buhay ako sa present time at hindi sa nakaraan. Hindi na naka-set-up ang utak ko sa pag-alala sa mga kasama ko noon na tahakin ang daan na ito.

Pft, madaming beses na kaya kaming tumakas ni Rhianne sa school at doon pumunta.

Sakto, tulad ng madalas mangyari...Kami lang ang tao sa Rainbow.

"Hi ate! Nandito po ulit kami...Pa-order po ng Okinawa milktea, Matcha milktea...tsaka..."

"Bakit mo pinangunahan ang pag-order? Ikaw talaga..."

"Gaga, alam ko naman ang o-orderin mo."

Natawa ako. Tama naman kasi siya...

Siya din ang nanglibre ng mga pagkain.

Napangiti ako habang kinukuhanan namin ng litrato ang mga pagkain.

Sa totoo lang, natutuwa ako para sa aming dalawa. Kumpara noon, mas maganda ang sitwasyon namin ngayon. Natutuwa din ako nang nalampasan na namin iyon, magkasama pa din kami.

"Tanda mo noon, nagkwekwentuhan tayo tungkol sa leading man natin?"

Tawang-tawa ako. Narinig siguro ng Panginoon ang kwentuhan namin. Kaya ayun, hinandugan kami.

"Rhianne, ang layo na noh? Mukang makapagtatapos tayo sa Villa Sierro ng hindi na emotionally attached sa kung ano. Makapagtatapos tayo ng malaya..."

"Napa-isip din ako, hindi na nga ako bothered. Mas nakakapag focus ako ngayon, mas naeenjoy ko ang events sa school, mas magaan ang nararamdaman ko, tapos hindi na tayo abnormal...may type na tayo sa lalake!"

"Oo, hindi na katulad noon na hindi natin magawang magpunta sa canteen...Hindi na katulad noon na may iniiwasan tayong malaman o makasalubong. Parang nakalaya sa sariling hawla..."

"Sabi sa'yo eh, may pag-asa pa..."

Napalingon ako sa labas.

Napaka gandang scenario. Kasama ko ang kaibigan ko pagkatapos ng nakakapagod na araw sa eskwelahan. Hindi ako kinakabahan o wala sa sarili.

Isa na akong normal na teenage girl muli. Na-e-enjoy ko ang huling taon bago ako makapasok sa kolehiyo.

"Rhianne, nag-e-expect ka ba noon na ganito ang mangyayari?"

"Hmmm...hindi, akala ko nga mag-ma-madre tayo."

Natawa miski si ate na nagtitinda.

"Hmmm...ako din eh, ang sarap sa pakiramdam na sa wakas, may phase na natapos sa buhay ko. "

"Lahat naman ng nangyayari, may rason. Naramdaman mo ba 'yung pagod sa ilang buwan na nag-suffer ka noong natapos na?"

Umiling ako. Hindi ko iyon naramdaman dahil sa tinuring kong blessing ang bagay na nagpa-realize sa akin ng napaka daming aral. Napaka dami kong natutunan. Napaka dami kong nalaman tungkol sa sarili ko.

Snow On The BeachTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon