Makulimlim, naririnig ko ang pag-awit ng mga ibon sa labas ng classroom. Ang libro kong hawak ay hinangin palipat sa ibang pahina. Ang kaunting sinag ng araw ay pumapasok sa classroom.
Napatingin ako sa table ni Rhianne. Organized siya sa gamit at mas kumpleto yata sa akin. Kaso nga lang, kapag nag-po-procastinate siya ay pati table ko...Puno. Ngayon ay nanonood siya ng barbie sa cellphone niya. Tahimik habang nangingiti.
Napaka dali lang talaga sa kaniya na humanap ng mga bagay na ikasasaya.
Napalingon ako sa labas ng classroom. Ibang-iba na talaga ang era ng buhay ko ngayon, parang wala akong kailangan alalahanin ah...
"NAOMI, INUBOS NA ANG POLBO MO!"
Napatingin ako kay Teoshaundrei. Nag-huho ng polbo sa papel at umaambang hihipan kay Jake.
"Enough."
Inirapan niya ako ng malala at iniabot sa akin ang polbo.
Kakaiba din talaga, kasasabi ko lamang na wala na akong dapat alalahanin...Ayan at nagkaroon.
Tawang-tawa ako.
Hindi ko din naman magawang ma-stress, siya na nga yata ang na-i-stress dahil sa kahit anong gawin niyang kalokohan, natatawa lamang ako.
Ang aking mascot ng Jollibee.
"Hindi kayo titigil?!Isa!"
Napalingon kaming lahat kay JL.
Tinatanong ko siya ngunit hindi sumasagot. Gano'n siya kapag bad mood.
Nakita niyang nakatingin din sa labas si Teoshaundrei. Umakbay siya kay Shaun at humingi ng kinakain. Ngumiti din sa akin si JL.
Lumapit ako sa may bintana. Ang ex ko pala, kasama ang circle of friends niya.
"Anong ginawa niyo? Anong nangyari?" Tanong ko.
Hindi sila sumasagot. Umalis ang ex ko sa may bintana at pumasok sa classroom nila agad. Naiwanan ang dalawang kaibigan ko noon.
"Ayan, na-ano pa tuloy tayo ni Naomi..."
Mahina ang boses nila, nahihiya. Alam kong may ginawa sila, hindi nagagalit basta-basta si JL.
Wala akong kabang nararamdaman, concerned lang talaga ako kay JL.
Humarap ako kay Teoshaundrei. Pagkaharap ko, kinabahan ako agad. Naalala ko ang ginawa ko. Hindi kaya siya...magiging uncomfortable?
Pero nang humarap ako, hinipan niya ang polbo sa muka ko. Tinignan ko siya ng diretso at parang si Jollibee na tumakbo palayo.
Naglalakad ako, naka-crossed arms habang sumusunod sa kaniya. Seryoso ang muka na lumabas ng classroom. Namataan kong naroon na sa tapat ng kabilang pinto malapit sa classroom ng kabilang section. Tinuro ko ang loob ng classroom ngunit umiling lang siya.
"TEOSHAUN."
He sticked out his tounge, mocking me. Hawak niya ang polbo.
Napahilot ako sa sariling noo, natatawa.
Hindi magawang uminit ng ulo ko sa kaniya. Hindi ko magawang ma-stress. Hindi ko magawang maging bad mood. Kakaiba ka talagang tao ka, imbis na ma-stress ako sa paligid...Nasa iyo lamang ang focus ko't natatawa.
Napalingon ako sa mga kaibigan ko at sa ex ko dahil din siguro sa nakatingin din sa akin. Bumalik ang tingin ko kay Teoshaundrei. Nakangiti pa din siya, pero may kakaiba. Lumapit na si Teoshaundrei at hinawakan ang kamay ko. Marahan niya akong inakay papasok ng classroom.
"Half-day ngayon, anong plano?"bungad ni Jake nang makapasok kami. Kinurot niya ang pisngi ni Rhianne. Ayaw ni Rhianne ng hinahawakan sa muka, kaya inirapan siya. Nahuli iyon ni Jake. Tinignan siya ni Jake ng seryoso.
BINABASA MO ANG
Snow On The Beach
Teen FictionVillain sa story ng iba, minsan naman...Narrator. That is how my senior year feels like. Egocentric at overthinker, napaka gandang combo...hindi ba? But someone made me see something from within.