Hindi na mahalaga kung bothered pa din ba ako o hindi. Hindi na mahalaga kung may parte sa aking dumadaing pa din o wala na. Hindi na mahalaga kung nahihirapan pa din ako o hindi.
Hindi na mahalaga kung nababagabag pa din ako o hindi. Hindi na mahalaga kung narito pa din ang peklat o wala na. Hindi na mahalaga kung narito pa din ang takot o wala na.
Ang mahalaga, alam ko na kung ano ang nararapat na gawin at kung paano tulungan ang sarili ko.
Sabado na ngayon, napaka bilis ng panahon na tila kanina lamang ay unang araw pa lamang ng klase.
Papunta ako sa grocery ngayon para bumili ng miryenda nang maka-tagpo ko ang isa naming kaklase.
"Hi Naomi!" Bati niya agad.
Kumaway ako habang naka-ngiti.
"May...sasabihin pala ako kaso ay nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko o hindi..."
Lumingon ako sa kaniya. Kinukutuban ako.
"Nakikisuyo pala si Enrique kung pwedeng sabihin sa'yo kung maaaring ibalik ang
friendship niyo...o iyong closeness...kaso sabi ko ay alam ko ang napagdaanan mo dahil sa kanila lalo sa kaniya kaya huwag na niyang subukan..."Lumapit siya sa akin at niyakap ako. Niyakap ko siya pabalik gayong gumagaan ang nararamdaman ko.
"Naomi...ayoko kasi na sa iba mo pa malaman na ganoon ang naging usapan..."
"Salamat ah..."
Saglit pa kaming nag-usap ngunit hindi na tungkol doon. Ayokong pagusapan gayong alam ko na may tendency na magboost ang ego ko.
Ego is the enemy.
Habang naglalakad ako, hindi ko naman maitatangging hindi mawala ang nasa isipan ko. Hindi ko maiwasang mapa-isip kung para saan ba iyon. Hindi ko maiwasang maisip kung bakit.
"NAOMI NAOMIER NAOMIEST!"
Napalingon ako sa tumawag sa akin. Si Teo pala...
Kumaway ako sa kaniya at ngumiti.
"Wala ka ba sa sarili?"
"Huh? Bakit?"
"Hindi ikaw ang Naomi na kilala ko, masama ang ugali no'n..."
Inirapan ko siya.
Hinila ko ang braso niya palapit.
"Pwede bang makausap ka ngayon?"
"Bawal."
"Pwede, aabangan kita sa kanto kung bawal."
Tawang tawa siyang naglalakad din at inakay ang bike niya.
"Tungkol ba kase saan..."
"Teo, may kaibigan kase ako..."
"Tungkol ba kay Kaivalya?"
"Oo---I mean...Sige na nga..."
"Anong nangyari?"
Naupo kami sa bench sa baba ng puno. Makulimlim at hindi masakit sa mata tignan ang langit.
"Kase, 'yung ex ko...kinakamusta ako at sabi niya sa kaklase natin ay kung pwede pa din ba daw makipag kaibigan sa akin. Kung pwede daw maibalik ang closeness...Teo, what if ang ganoong peace ay hindi ko kayang ibigay?"
He smiled.
Ginulo niya ang buhok ko.
"Because that wasn't peace..."
Nakatingin lang ako sa kaniya. Hindi ko alam pero parang may bitbit ako kanina na biglang gumaan.
"Naomi, kung hindi mo iyon maihahandog sa kanila, wala silang karapatang magreklamo at hindi ka mali bagkus ay tama ka. Mas lalong gugulo ang sitwasyon kung ganoon. Ang kapal din ng face niya ha..."
BINABASA MO ANG
Snow On The Beach
Teen FictionVillain sa story ng iba, minsan naman...Narrator. That is how my senior year feels like. Egocentric at overthinker, napaka gandang combo...hindi ba? But someone made me see something from within.