Nagulantang ako sa tunog ng alarm clock.
Agad akong bumangon sa pagkakahiga at natagpuang nagmamadaling inaayos ang aking gamit. Nagmamadali akong tiklupin ito. Sobrang lamig ng panahon ngunit tila tanghaling tapat ang enerhiya ko.
Nang biglang tumayo, napa-upo akong muli dahil sa nahilo.
Nang mapahawak ako sa aking braso, napa-daing ako sa sakit.
Napangiti ako nang mapait. May bagong art-work na naman ang anemia ko...
Nagdahan-dahan akong tumayo upang magtungo sa ref at kuhanin ang aking gamot.
Ramdam ko ang panglalamig ng aking kamay.
Nilabas kong muli ang aking bisikleta.
Nagmamadali ako papunta doon. Nararamdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko buhat ng excitement at ng pag-ba-bike ngunit alam kong nakabubuti naman ito.
Inayos ko ang bike ko sa isang tabi. Napangiti ako nang marinig na may tumatalbog na bola.
"AYUSIN MO NAMAN!"
"WALA AKONG SETTINGS!"
Alam ko na agad kung sino ang dalawang iyon kaya agad na napangiti ako.
May dalang flashlight si Teo habang nagdidribble gayong may liwanag naman sa court.
Nang matapatan niya ako mula sa dilim, tumakbo siya bigla dahil sa gulat.
"BAKIT KASI ANG PUTI MO?!"Aniya, nagpapanggap na sumisigaw. Dahil sa pagbulong niya sa ganoong paraan,nasamis siya.
"Ang bilis talaga ng karma..."ani ko.
"Masama---"
"---ang ugali."
"MANGAAGAW NG LINYA!"
"MAASIM!"
"BITTER!"
Pareho kaming napalingon kay Jake na naghihilot ng sentido.
"Bibili lang ako ng kape..."aniya.
"Iiwanan mo ako sa sadistang ito?"
"At iiwanan ko siya sa abnoy na ikaw."
Inirapan lamang siya ni Teoshaun.
Akala ko pa naman, makatatanggap ako ng matinong response. Puro na lang kasi ka-epal-an ang nagagawa niya.
Nag-alok siya ng mauupuan sa bench. Binigyan niya ako ng strawberry flavored drinks.
"Akala ko ba, allergic ka dito? Bakit palagi ka pa din bumibili..."
"Naniwala ka naman,'wag kang nagpapa-uto sa akin..."
"Is that something to lie for?"
"Minsan...ganern..."
Sariling tawa, sariling joke.
Baliw... sabagay,ganoon din naman ako, tawang-tawa sa joke niya. Nakahahawa pala ang sakit niya eh.
"Pansin ko kahapon, hindi ka na kinabahan..."
Naalala ko ang pag-akto niya. Naalala ko paano siya nagmamasid. Nawala sa isipan kong may mga nabanggit ako sa kaniyang mga sitwasyon na nagiging paranoid ako. Ngayon ko napagtantong pati sa mga nabanggit ko, nawawala na ang reaction ko. Pwera nga lang nung hapon---
"Pwera nga lamang noong hapon na tumaas ang lagnat mo. Ipinaglalaban mo pang pagod lang, pero hindi normal ang body temperature mo at ang pag-hinga mo."
"Malamig kasi noong umaga..."
"At may plano kang ulitin ngayon?"
"Oo, bakit?!"
BINABASA MO ANG
Snow On The Beach
Teen FictionVillain sa story ng iba, minsan naman...Narrator. That is how my senior year feels like. Egocentric at overthinker, napaka gandang combo...hindi ba? But someone made me see something from within.