Five

14 1 2
                                    

Nagising ako nang madilim pa sa labas. There are crickets. Malamig ang panahon.

Nagising akong naninibago sa nararamdaman ko. Hindi kailangang umiral ng imahinasyon ko tungkol sa nakaraan at tungkol sa pag-o-overthink sa buhay nila.

Sobrang aga pa para maghanda sa pagpasok...Nakikita kong makapal pa ang hamog sa labas.

Naisip kong baka bukas na ang pinaka malapit na store. Kinuha ko ang bike ko at binuksan ang gate. Nakasuot na ako ng jacket, malamig pa rin...

Nang makarating sa store, pumili ako ng flavor ng inumin. Nakatutok na ang atensiyon ko sa kape, napatingin pa din ako sa strawberry.

Nahuli ko ang sarili kong strawberry ang hawak habang papunta sa counter.

I smiled a little.

Nagpunta ako sa playground. Sa tabi nito, may basketball court. Napaka tahimik ng paligid ngunit may ilang sasakyang dumadaan sa kalsada sa kalayuan. Nakikita ko ito gayong suot ko ang salamin.

Nakarinig ako ng pagbagsak ng bola sa sahig.

Napalingon ako. What a coincidence.

Napalingon siya sa banda ko at bahagyang nagitla.

"Jake? Ang aga naman..."

Tumango siya at naglakad patungo sa kinaroroonan ko.

"Sayang nabili pa ng kape si 'Drei..."aniya nang maupo malapit sa tabi ko.

Bahagya akong nangiti nang marinig ang pangalan niya.

Maya-maya, may narinig akong naglalakad.

Napalingon ako.

Nakasuot siya ng grey na jacket. Kapansin-pansin agad ang tinataglay na tangkad at malaking hugis ng katawan. Nakapamulsa siya at naka brushed-up ang buhok.

"Wow, hindi bitter..."

Umirap na lamang ako.

"May nakalimutan pala akong bilhin, bye muna."Jake.

"Papampam, subukan mong huwag bumalik papatayin kita."Teo.

"Duwag."

Kalaki-laking tao, takot sa mga ganoong bagay. Kinatatakutan niya ang mga bagay na interisado naman ako.

Peace.

Bagamat mas komportable ako kapag mag-isa, hindi ako nakararamdam ng pagka-ilang kapag kasama siya. Sobrang komportable ko pa din bagamat alam kong mangaasar siya agad.

"Maayos ba gising mo?"aniya.

"Mhm..."

"Hindi halata ah..."

"Gusto mong huwag nang magising? Maganda din 'yun..."

Tawang tawa siya sa akin.

"Mukang malalim ang iniisip..."

"Ako?"

"Mhm..."

I chuckled.

Ano nga bang iniisip ko? Hindi ko na din tanda, sobrang random at sobrang dami.

Lumingon siya sa akin.

"Have you ever thought of telling him things that you want to tell?"aniya bigla.

Natatawa akong napalingon. Pero may parte sa akin na excited at gusto agad sumagot. May parte sa akin na...sobrang komportable sa kaniya.

"Kung may gusto akong sabihin, hindi ko na lang din sasabihin sa kaniya...Kase personal iyon, hindi na siya involved.."

Snow On The BeachTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon