Gabi na at kagagaling ko lamang sa simbahan. Ako 'tong si namatayan na ng flashlight. May meeting kasi ang youth namin tungkol sa magaganap na National Vocation Festival.
Naririnig ko ang mga crickets sa mga puno. Streetlights ang nagsisilbi kong ilaw. Mabuti na lamang at hindi umuulan. Nakikita ko ang mga sasakyan na umaandar sa 'di kalayuan.
What a nostalgic feeling...
Akalain mo nganaman, Naomi. Mauuwi ka din naman pala sa phase na hindi tanging thoughts mo ang mismong reyalidad mo.
Habang naglalakad ako, pinagmamasdan ko ang kapaligiran. Ramdam ko ang buhay. Kahit madaming responsabilidad at alam kong balak akong kuhanin ni Nel bilang secretary sa SSC, hindi ko hinahayaan ang sarili kong ma-stress. Ang dami naming school works pero may tiwala ako sa sarili kong kaya kong tapusin iyon.
Noon, feeling ko isa akong side-character at walang saysay ang pag-a-aral ko sa school kase wala naman akong ganap sa events. Baliw talaga ako noon. It won't matter after five years. Hindi man lamang pumasok sa isipan ko na mas mag-ma-matter pa ang disiplinang kaya kong gawin sa sarili ko kaysa sa emosyong nararamdaman ko sa mga tao. Hindi pumasok sa isipan kong kung ano mang perception ng iba, hindi ito isang Wattpad Story na ako ang villain para ma-define base sa kanila.
Napalingon ako sa mga punong hinangin.
Malayo pa, pero malayo na.
Nang makarating ako sa bahay, hindi na gaanong malamig ang panahon. Tulog na din sila mama at nakita kong may naka-hain sa lamesa. Nang maka-kain ay nagligpit ako ng sariling pinag-kainan.
Ngunit pakiramdam ko'y mas nagkakaroon ako ng ganang kumain simula nitong mga nakaraang araw... Gutom pa din ako, kaya naman kumuha ako ng maaaring kainin. Puro pambatang pag-kain na binibigay sa akin ng kapatid ko, pero ayos na 'to.
Tinignan ko ang cellphone ko.
Nagulat ako nang napakadaming notification mula kay Teo.
Agad akong napangiti.
Teoshaundrei:May tatanong ako
Teoshaundrei:Okay na pla
Teoshaundrei:Huy Naoki
Teoshaundrei:tulog knba
Teoshaundrei:Tinatamad ako magsulat Naoki
Teoshaundrei:NAAAAAAAOOOOMIII HAHAHAHAHA
Teoshaundrei:Luh d namamansin
Teoshaundrei:Ang sakit ng ulo ko Naoki
Teoshaundrei:Bakit offline ka
Teoshaundrei:Nagbabasa ka noh
Teoshaundrei:NAOKI NAOKI MAGONLINE KA NAAA MAY ITATANONG NGA AKO EHHHHHHindi na siya online, siguro'y tulog na.
Nakaramdam naman ako ng pag-a-alala at panghihinayang na offline na siya.
Naomi:Huwag kang uminom ng gamot agad. Uminom ka muna ng tubig o kumain ka. Cellphone ka kasi ng cellphone. Magsulat na ikaw, kase baka bukas dumagdag pa 'yan sa sakit ng ulo mo. Kapag hindi nawala agad, uminom ka na ng gamot.
Nakangiti kong kinuha ang isa kong libro.
Noon, naiirita ako kapag committed akong makipag-usap sa isang tao. Kaya din walang nag-work na talking-stage sa akin. Kaya din bihira din naman kami mag-usap ni Rhianne sa chat. Tamad din naman mag-online iyon.
Tamad akong makipag-interact sa mga tao. Iyon ay isa sa mga traits na problema ko sa sarili ko.
Pero dama kong komportable talaga ako kay Teoshaun. Hindi ako naiilang. Hindi ko nararamdaman na nagsasaw ako sa presensiya niya. Hindi ko nararamdaman na mas mabuting umiwas... kahit takot akong ma attached.
BINABASA MO ANG
Snow On The Beach
Teen FictionVillain sa story ng iba, minsan naman...Narrator. That is how my senior year feels like. Egocentric at overthinker, napaka gandang combo...hindi ba? But someone made me see something from within.