Malamig ngunit hindi na maulan.
Nang makabalik ako ng bahay kanina, kababangon lamang din ni mama. Nagulat pa gayong galing ako sa labas. Hinatid din ako ni Jake at Teo.
Hindi ako sanay na kumain bago pumasok, tanging kape lamang ang agahan ko. Nagbaon na lamang ako ng sandwich dahil tiyak ako na recess ako magugutom.
Nang lumabas ako ng bahay upang maglakad, humangin ng malakas. Pataas ang kalsada, buti na lamang at hindi ako natumba. Pft.
Napaka ganda ng kulay ng langit...
"SABAY NA TAYO!"
"TEO, DALIAN MONAMAN!"
Napalingon ako sa dalawang tumatakbo at nagsisigawan.
Inantay kong mapansin nila ako. Nagitla si Teo sa akin. Liwanag na ngunit may hawak siyang flashlight.
"Tara, Naoki?"Jake.
"Si Kiomi..."
"Tigilan mo ako, ang aga-aga Teoshaun!"
"Tapos type ni Jake si Rhianne kaya---"
Hinila ni Jake ang buhok niya.
Napangiti ako. Angganda talaga ng bestfriend ko...
Habang naglalakad kami, napaka gulo ni Teo. Walang minuto na hindi siya nang-a-asar.
Pero hindi ko maiwasang maalala ang mga nasabi niya sa akin kanina...Sa tingin ko, kaya parang bagong phase itong umagang ito para sa akin, ay dahil sa ang laki ng nabago sa akin sa naging usapan namin kanina.
May dumaan na naka-motor, magka-angkas.
Napatingin sa akin si Teo.
"Anong meron?"Tanong ko.
Umiling siya at ngumiti, tila nag-alala kanina ngunit nawala.
Nagkibit balikat ako. Nag-a-alala lang siguro na baka masagasaan ako.
Nang sumakay kami, pinauna nila akong dalawa. Maayos ang uniform ni Jake, walang vest at neck-tie si Teoshaun.
Parang pangalan nila, mas formal ang dating ng Jake at pang-siga ang Teoshaun. Na-bi-visualize ko na ang childhood at future nilanh dalawa.
"Kailan ang tapungan para sa map?"Jake.
"Hihingi na lang tayo kay Dora---"
Tinakpan ni Jake ang bibig niya.
"Ngayon yata..."
"Ahh, treasurer kasi ako, dahil sa isang papampam diyan..."
"Ayaw mo no'n, may pambili ka na ng brief."
Natatawa ang ibang pasahero sa kabaliwan niya.
"Hindi, pambili ng super glue, lalagay ko sa bunganga mo."
Nanahimik ang isa habang nakanguso at nagpipigil ang ngiti.
Patagong may binubulong-bulong.
"Umiral na naman pagiging albularyo mo"Jake.
"Mama mo albularyo..."
Kumpara noon, hindi ako nabuburyo sa byahe. Tawang tawa ako sa kanila. Imbis na makapag isip ng kung-ano-ano, naiisip ko anong sunod na sasabihin ni Teo.
But his humor are always...unpredictable...
Nang nasa eskwelahan na, sa tuwing may makakasalubong kaming magkasamang babae at lalake, pasimple siyang tumitingin sa akin. Tinatago niya ngunit napapansin ko. Busy naman ako sa pagaantay ng sunod niyang sasabihin at sa pagmamasid ng bawat detalye ng mga matitignan ko. Si Jake naman ay tahimik lamang din.
BINABASA MO ANG
Snow On The Beach
Teen FictionVillain sa story ng iba, minsan naman...Narrator. That is how my senior year feels like. Egocentric at overthinker, napaka gandang combo...hindi ba? But someone made me see something from within.