Nasaan ako?
Iyan ang unang pumasok sa isipan ko. Pamilyar ang lugar. Pilit kong iniisip kung saan ko ito nakita. Sandali...saan nga ba ito?Hindi ko maalala kung saan...Ngunit pamilyar. Bahagyang madilim, pero alam kong hindi pa gabi. Hapon na.
"Huwag mong sabihin na pati ang classroom, pwinersa mo nang kalimutan..."
Nilingon ko ang nagsalita. Ngumiti siya sa akin. Isang ngiting napaka tagal kong hindi nakita. Isang ngiting...hindi ko na makikita. Naluluha ako.
Ako siya.
Ako siya, na nakasuot ng uniform ko noong junior high school pa lamang ako. Nakasuot siya ng bilog na salamin. Mahaba ang buhok at may bangs. Mas mataba ang pisnge niya. Maamo ang muka at...lalo na ang mga mata niya. Tila walang kaalam-alam sa mundo. Genuine siyang nakangiti.
Lumapit ako at tumakbo. Niyakap ko siya ng mahigpit. Hinaplos niya ang buhok ko. Hinayaan akong sumandal sa balikat niya. Hindi ako pinagtawanan o na-judge. Hanggang sa hindi ko namamalayan na umiiyak na ako.
"Kamusta ka na ngayon? Ayos ka na ba?"
Tumango ako ng napaka daming beses.
Hinawakan niya ang kamay ko.
"Malayo na ang narating mo, tama ako? Pero may mga pagkakataon...muli kang mapalilingon sa daan na tinahak mo...para lingunin ako..."
Tama siya. Tama. Napalingon ako sa buong classroom. Tinignan ko siyang muli.
"Gusto ko...maging Engineering, kase sabi ko ako ang magpapatuloy ng pangarap ng taong sobrang minahal at pinagkatiwalaan ko...ayaw kasi ng mama niya doin...sobrang halaga niya...Pero..."
Hinawakan niya ang kamay ko at inilagay sa dibdib ko.
"Alam kong hindi na ako ikaw, kaya kung ano ang nandito...iyon ang sundin mo. Kahit alisin mo na din ako diyan, dahil alam kong iyon ang ikasisiya mo ng sobra..."
Kalmado ang boses niya. Pero, alam ko...Alam ko ang panahong ito, ito ang panahon kung kailan ako iniwanan ng lalakeng iyon.
"Kalimutan mo na ako, ah? Tsaka, maging masaya kayo ng singkit mo. Pero pwera biro..."
Niyakap niya ako.
"Proud ako sa'yo, at ang bagay na ito..."
Ipinakita niya ang mga marka ng kamay sa damit niya kaya mas naiyak ako.
"Hindi ito ang magiging depinisyon mo, o ang taong gumawa nito... hindi siya ang basehan mo...Hindi ba't ang mga kanta ng Silent Sanctuary, favorite mo na bago pa maging kayo? Tss...Ang daming kanta na ayaw mo nang pakinggan dahil lang sa taong 'yun, hayaan mo na siya...Eh ano naman kung i-dedicate din niya sa bago niya, pinagbawalan ka ba ng Silent Sanctuary? Tsaka huwag kang matakot kung iyong story na isinulat mo sa Wattpad ay medyo konting kapangalan ng bago niya ang bida...Ikaw talaga! Eh ano naman? Hindi lang sila ang tao sa mundo...Huwag mo ngang sabihing villain na ex ka at sila ang main character, baliw ka ba?! Ano bang trip mo, maging villain or narrator? Siguro, angganda na ng love story nila diyan sa imahinasyon mo. Paranoid ka kasi, nagawa ng problemang kung nag-e-exist ngang talaga ay hindi naman sa iyo. Tsaka isa pa..."
BINABASA MO ANG
Snow On The Beach
Teen FictionVillain sa story ng iba, minsan naman...Narrator. That is how my senior year feels like. Egocentric at overthinker, napaka gandang combo...hindi ba? But someone made me see something from within.