"Naomi, paano kayo nagka-kilala beh?"
Kasama ko si kuya Andrew at si ate Colein. Wala si Teoshaundrei at Matheo, may pinupuntahan sa pamilihan.
Nakatingin ako sa bubong ng mga bahay sa ibaba. Inaalala kung paano kami nagkakilala. Napapangiti talaga ako ng malala kapag siya ang kausap.
Malamig ngayon, suot ko pa ang isa sa mga jacket niya at naaamoy kong kaamoy niya ito.
"Tandang-tanda ko pa po, bibili ako ng matcha milk tea noon, tapos..."
Natatawa ako at nahahawa sila sa akin.
"Iyan talagang si Teoshaundrei, alam kong kalokohan na ang kasunod..."ate Colein.
"Totoo, ate...kasi nag-di-diary po ako noon sa cellphone ko tungkol sa ex boyfriend ko, binasa po niya ng malakas...Hindi pa kami magkakilala noon..."
Tawang-tawa si kuya Andrew.
"Ateng, unkabogable talaga ang tama ni Yoshawn..."
Tawang-tawa si ate Colein. Hindi lang nila alam, madami pang napaka lalang nangyari. Sayang, hindi ko dala ang diary ko.
"M-May mas malala pa, mhie..."natatawang saad ko.
"Ay, may mas malala pa?" Ani ate Colein habang hinahaplos ang buhok ko.
"Gentleman siya sa part na noong dumating ang ex ko at medyo nang-a-asar ang circle nila, sinamaan niya ng tingin at pinaupo ako malapit sa kanila ni Jake...biglang umalis si Jake noon, iniwanan siya pero hindi niya namamalayan kase naglalaro siya sa cellphone niya. Nang sabay pong dumating ang order namin, kinuha po niya ang matcha ko at binigyan ako ng pagka-mahal mahal na strawberry flavor na one hundred percent ang sugar, ibibigay po pala sana kay Jake...sinabi pa sa akin na i-pa-prank daw niya dapat kaso akin na lamang daw po at allergic siya sa strawberry. Tapos humarurot sa motor, pagkatapos po noon, nito ko lang nalaman na lasing pala siya noon. Tapos po, simula noon, walang lumipas na araw na hindi kami magka-asaran...Take note, Teo J. Santiago ang inilagay niyang pangalan sa milktea..."
Tawang-tawa silang dalawa. Ganoon din ako, inis na inis pa ako noong nangyari ngunit kinagabihan na napagtanto ko, tawant-tawa na ako.
"Nahalata mo ba agad na may gusto siya sa'yo?"
Napangiti ako sa tanong ni ate Colein lalo.
"Basta ang alam ko po, kapag anxious ako, ang bilis niya mahalata...siya ang palaging nandiyan para pangitiin ako. He didn't made me like him through flirting... it's through taking care of me. Kasama na po doon ang pang-a-asar niya. Hanggang sa unti-unti, dahil po sa kaniya, masaya nang pumasok sa school. Ganado na po ako. Lagi po kaming tatlo sabay umuuwi, minsan iniiwan siya ni Jake. Ang bilis niya humanap ng puntong maaasar ako..."
"Ateng, sino ka dyarn, ateng? Grabe, ganiyan pala magmahal si Yoshawn..."kuya Andrew.
"Paano siya umamin?"ate Colein.
"Hmmm...una po noon, akala ko iba ang gusto niya. Tapos, hindi ko po gaanong pinansin noon dahil parang may misunderstandings din kami, pumunta po kami kina Jake...umamin po siya sa akin, pasumbat..."
Tandang tanda ko pa, Teoshaundrei. Pagkauwi ko no'n, hindi yata ako nakatulog agad. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko sa tuwing maaalala kong gusto mo na din ako noon.
"Sabi po niya, manliligaw siya, pero iyon daw po ay sa ayaw at sa gusto ko..."
"Ang nakshit ko! Unkabogable talaga!"
Nagkwekwentuhan pa kami. Madalas din silang natatawa.
Aywan ko din ba kasi doon. Napaka random niya. Pansin ko din, bukod sa akin, kay Rhianne siya malapit na para din namang magkapatid na magkaaway kapag magkasama. Hindi siya ganoon kalapit at kakomportable kina Raiah at Kharmille, hindi din siya gaanong nakikipag-usap. Ang napapansin kong madalas niyang ginagawa kapag free time, nag-ga-gawa ng notes o nakikipag-laro kay Jake ng COD. Minsan naman, natutulog. Pero madalas, inaasar ako't ginugulo kapag nagbabasa ako.
BINABASA MO ANG
Snow On The Beach
Teen FictionVillain sa story ng iba, minsan naman...Narrator. That is how my senior year feels like. Egocentric at overthinker, napaka gandang combo...hindi ba? But someone made me see something from within.