Sixty Six

18 1 0
                                    

Natural na sa akin na magigising ng maaga na walang alarm-clock. Pinatay ko na iyon gayong alam kong ayaw na ayaw niyang magigising mula sa ingay. Naalala kong nasa condo niya ngapala ako.

Yakap pa din niya ako habang nakasubsob sa akin. Napatingin ako sa bintana. Angganda ng sunrise kaso hindi ko makita dito gaano...

Hinahaplos ko ang buhok niya. Mahimbing pa din ang tulog niya hanggang ngayon.

Bahagya kong inaalis ang pagkakayakap niya. Pwede naman talaga siya matulog kahit hindi na ako katabi eh...

Pero nang bahagya na akong nakakabangon, hinila niya akong muli at mas sumubsob sa akin.

Nakikiliti ako huhu...

"Baby..."

Namamaos ang boses niya. Sinabi niya iyon nang antok na antok pa. Napaka lambing ng boses niya...

Sayang 'yung sunrise, huhu...

"Hindi ba talaga ako pwedeng unang bumangon?"

Hindi siya sumagot at mukang natulog muli. Mananahimik na lamang ako...

Nangangalay na ako sa ganitong higa.

Humarap ako sa kaniya at niyakap siya. Nakasubsob ang muka niya sa dibdib ko ngayon.

"Ayan, ma- suffocate ka...Papampam ka kasi..."

Pero nagulat ako nang mas yakapin lamang niya ako at mas nilubog ang muka niya.

"Pasalamat ka, tulog ka..."

"Sa kung sasakalin mo man ako, gamit 'to."

Nagitla ako nang sabihin niya iyon. Inaalis ko na ang braso niya sa akin. Hindi siya nagpapatinag at tumatawa habang nakasubsob doon.

"Ang-aga-aga ang libog libog mo..."reklamo ko.

"Tangina, pagdating talaga sa'yo, nababaliw ako..."

"Bakit mo ako minumura..."

"Hindi naman..."aniya at masuyo akong hinalikan sa noo.

Gentleman pa din siya.

Ngumiti ako. Gising na siya ngayon kaya pwede na akong bumangon. Inalis ko ang braso niya sa akin at umalis sa kama habang nakangiti. Nanatili siya doon at lumapit ako sa bintana. Angganda ganda ng langit, may city lights pa din kasi hindi pa gaanong sumisikat ang araw.

Nang humarap ako, kinukuhanan na pala niya ako ng litrato.

"Hon patingin..."

Tinapik niya ang kandungan niya. Umupo ako doon at pinakita niya ang posts niya sa Instagram.

Gising na ang batang tuwang tuwa sa sunrise

"Anong bata ka diyan?"

"Ikaw 'yun..."

"Ikaw nga ang mahilig dum---"

Tinakpan niya ang bibig ko. Hawak ko ang cellphone niya at tinignan ko ang account niya habang nakatakip pa din siya sa bibig ko. Konti lang ang followings niya...

Pero may nakita akong babae. Tinignan ko siya. Nakakahiyang magtanong kasi...baka isipin niyang masyado naman akong selosa...Nakakahiya kasi baka sabihin niyang masyado akong nag-o-overthink.

"Ay, sorry, 'di ko pa pala napapakita Instagram account ko kaya 'di ko pa napapakilala ibang kapamilya ko bukod kay Matheo Goh. Ayan? Si ate Ariel 'yan, hindi mo siya nakikita kasi pinsan ko kay mama. Hindi halata kay ate na five years ang tanda niya sa akin...Ang anak niya, siguro mas matanda kay Matthew ng dalawang taon. Tapos ito, si kuya Asato, naging kaibigan ko doon at tinulungan akong gamayin ang kultura do'n pati language kasi hindi na din naman ako gaanong sanay. Ito, si Architect 'yan, si kuya Rohzian. Tignan mo ang post, Yerin na may konting Rohzian..."

Snow On The BeachTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon