"Mag-promise ka na wala ka nang itatago, kahit masaktan pa ako..."
"Mhm..."
Iyak lang ako ng iyak. Bahagya siyang natatawa. Hindi ko nakita o naramdaman minsan na naging problematic siya. Kapag ako ang problematic, sinasalo niya ako. Pero hindi ko naramdaman minsan na hinayaan niya ang sarili niyang maging pabigat din.
"Mag-promise ka..."
"Oo, promise..."
Grabe, sa kabila ng mga napag-daanan niya, napaka tatag niya pa din.
Pakiramdam ko, wala pa sa kalhati ang mga napag-daanan ko sa buhay.
"Ihahatid na kita..."
Umiling ako at niyakap siya. Umiiyak na naman. Natatawa na siya sa akin.
"Bakit ka ba natatawa?!"
"Wala lang, ang cute mo."
"Baliw..."
Hindi na siya nagsalita at hinaplos ang buhok ko.
"Shh, ayos na ako ngayon..."
Tumingin ako sa kaniya. Tumingala ako mula sa pagkakasubsob sa kaniya.
Nakangiti siya sa akin. Nakalubog ang dimples at nasisinagan ng araw ang maputing balat. Malapit nang mawala ang singkit na mata. Muka siyang anghel, kahit naman yata ugali niya...ugali ng anghel. His eyes could be intimidating and angelic at the same time. Ang singkit na mata'y pinaka palatandaan ko sa kaniya. Bukod sa hugis nito, kakaiba ang paraan ng pagtingin niya sa akin.
"Tumahan ka na, ayos na ako ngayon...Lalo pa't nandito ka naman..."
Tumango ako at kumapit na sa kamay niya.
Napatingin ako sa langit. Kinuhanan ko ito ng litrato at nang humarap ako sa kaniya, kinukuhanan din pala niya ako. Natawa ako dahil sa naisip ko ang itsura ko doon. Napangiti siya sa akin.
"Naomi, dati nga eh...Naisip ko na baka mapupungay ang mata ng mga tipo mo..."
Pinagtawanan ko lamang ang sinabi niya. Tinignan niya ako from head to foot nang matawa ako.
"Syempre, insecured ako kase singkit ako..."
"Ikaw, bukod sa type kita, ikaw ang standard ko sa tao."
"Ang-OA, pwedeng sabihing sa lalake..."
"Pakealam mo? Tangina nilang lahat---"
Tinakpan niya ang bibig ko habang natatawa.
"Bastos."saway niya.
Pareho kaming natatawa sa kalsada. Pareho din kase kaming mahilig maglakad-lakad. Mas naeenjoy ko ang subdivision namin at ang oras sa ganitong paraan.
"Totoo naman ah, wala akong pakealam sa perception ng ibang tao sa akin. Edi sige, sila na ang main character. Sila na ang bida't ma-bother sila sa presensiya ko, habang ako, ni hindi ko na nga sila magawang isipin..."
"Ganiyan, ganiyan ka dapat. 'Yan ang nakshit ko, tularan mo ako."
"Oo, hindi ko alam bakit ko hinayaan aa ilang buwan na dapat papabor ako sa expectations ng mga taong ayaw ko naman maging katulad."
Namamangha siyang napatingin sa akin. Maya-maya, mas naging OA ang ginawa niyang reaction. Tawang-tawa ako.
"Perfect. Tama. Plakado. Slayed. Perioooood!"
"Lalo pa't may kilala akong sa dami ng pinag-daanan, sobrang tatag pa din..."ani ko.
"Ikaw ang pinaguusapan ngayon, huwag mong gawing ako, eme ka."
BINABASA MO ANG
Snow On The Beach
Teen FictionVillain sa story ng iba, minsan naman...Narrator. That is how my senior year feels like. Egocentric at overthinker, napaka gandang combo...hindi ba? But someone made me see something from within.