"Hubby...Gising na."ani ko.
Nakasubsob pa din siya sa akin. Ang palagi naming itsura tuwing umaga. Sa aming dalawa, ako talaga ang maagang nagigising.
Naka-bra at panty lamang ako ngayon. Nag-tuos na naman kami kagabi. Habang tumatagal, natututunan na niyang panggigilan ako sa kama.
Hindi ko nararamdaman na nagsasawa siya kahit araw-araw na kaming magkasama. Ilang araw na lang ay pasko na. Si Teoshaundrei ang mismong regalo ko.
Umiling siya habang nakapikit. Mas niyakap ako at hinalikan ang dibdib ko.
Isa sa challenge ko araw-araw ay ang gisingin siya. Minsan naman, gising na pero ayaw lamang talaga akong pakawalan sa kama.
Ayoko din naman bumangon agad... Nararamdaman ko kasi ang comfort na mayakap siya. Nararamdaman ko ang comfort na nararamdaman niya mula sa akin. Kahit papaano, natutuwa ako at napapawi ko ang pagod niya.
"Ikaw talaga..."tangi kong nasabi habang nakangiti. Nakita kong tulog na naman siya.
Sa tingin ko, nang ikasal kami ay pareho nang mas komportable ang buhay namin. Naiibsan na noon ang magiging mapag-isa ko. Siya naman, mas naaalagaan ko na siya.
"Pagod ka siguro galing sa byahe mo kahapon...Ang sipag-sipag ng Engineer ko..."bulong ko.
Tulog pa din siya.
Aaminin ko, kasal na kami't lahat ay kinikilig pa din ako sa kaniya. Fangirl pa din niya ako. Ang lakas kasi talaga ng karisma ng hapon na 'to...Pft, bonus na lang na magaling talaga siya tungkol sa kahit saan.
Patay na patay pa din ako kay Teo J. Santiago.
"Baby... it's cold..."ungot niya at itinaas ang kumot sa akin.
Hindi ko maramdaman kanina dahil sa halos ikulong na niya ako sa bisig niya.
"Nilalamig ka, hmmm?"
Hindi na siya sumagot at mas niyakap ako. Antok na antok pa din siya...
Malamig na sa labas, kita ko din ang hamog. Nag-a-alala nga ako na baka nagkalagnat itong si Teoshaun dahil sa pagod na pagod siya. Mabuti na lamang at hindi naman sobrang taas. Matigas din kasi ang ulo. Miski kay Mama-Ema ay hindi nakikinig.
"Te-woh..."I tried to pronounce it.
Ang cute pala...
Dati, nababasa ko lamang ang ganitong pakiramdam. To wake with someone you love...
Tama ang nabasa ko sa libro noon. Sabi ng author, worth it daw na kahit masakit noon ay balang araw...Magigising ka na lang sa yakap ng taong pinaka mamahal mo, at isa na lamang memorya ang sakit na naranasan mo.
Tumagilid ako at niyakap siya. Naaamoy ko na napaka bango niya.
"Ang tamad-tamad talaga gumising..."nangingiting saad ko at hinawakan ang pisngi niya. Napaka himbing na naman ng tulog. Tahimik lamang kapag pikon o kapag tulog, pero kapag hindi, aasarin ako nang aasarin. Ang cute din magtampo ni Teoshaun.
Tatahimik lang siya tapos hindi makatingin sa akin. Dahil din kasi may pagka- introvert ako, nagbabasa ako minsan at kinakausap na pala ako... Hindi ko napapansin. Kaya ang madalas mangyari, nakasampa siya sa akin habang nagbabasa ako. Para talaga siyang golden retriever.Pero gustong-gusto ko din naman na yakapin at kantahan siya hanggang sa makatulog siya, ang arte arte lang minsan at gagamitin ang linya na independent daw siya. Minsang biniro na naman ako ng gano'n, mangiyak-ngiyak na sa akin at grabe daw ako dahil hindi ko siya pinansin.
Naiisip ko din kasi ang mga panahon na nahirapan siyang matulog at bukod doon, mag-isa...
Maya-maya, sa wakas ay nag-inat at naghikab na ang baby damulag ko.
BINABASA MO ANG
Snow On The Beach
Teen FictionVillain sa story ng iba, minsan naman...Narrator. That is how my senior year feels like. Egocentric at overthinker, napaka gandang combo...hindi ba? But someone made me see something from within.