Fourty One

6 0 0
                                    

"Anong gagawin ko diyan?"

Nakahiga ako sa kama, nananahimik, pinakita kasi sa akin ni Alex ang myday ng ex ko.

"Wala na sila noong grade ten at bago 'to."

"Anong gagawin ko?"

"Wow, grabe! Ang akala ko iiyak ka na naman, tatanungin ako kung anong lamang sa iyo niyan, kung anong mayroon siya na wala ka, kung paanong main character sila---"

Niyakap ko siya. Nagulat siya sa ginawa ko pero mas niyakap ko siya at pumikit ako. Pero...naiisip ko iyong nararamdaman noong grade ten, sana ayos lang siya. Naaalala ko noon, kung paano ako iyak nang iyak sa kaniya. Kung paano niya ako pinatatahan.

"Ayos na ako ngayon, nagulat lang din siguro ang senses ko kaya alam kong ramdam mo na malakas ang tibok ng puso ko. Pero hindi gaya dati, hindi na ako nag-i-isip ng kung-ano-ano..."

"Sigurado ka?"

"Oo naman, may sarili na akong buhay...hindi na ako villain na ex. Nakakatamad naman maging role 'yun, sayang ang oxygen ko sa katawan."

"Sabagay, napaka-gwapo ni kuya Shaundrei."

"Bakla, totoo! Sobra...Tsaka isa pa, pati personality niya. Pareho kaming bihira mag-post, ako din naman ang nagsabi na mas mabuti kung huwag namin ipakita sa social-media ang relasyon namin. Nakakatamad kase, hehe. Pero natutuwa ako para sa ex ko, muka namang maayos siya ngayon at hindi din pabaya sa pag-a-aral. Basta hindi na naikot sa buhay niya ang utak ko. Pareho pala kami ng type, singkit..."

"Bff goals pala kayo!"

"Gaga, alam mo 'yung napatawad mo na ang tao tapos wala ka nang sama ng loob pero wala ka na ding intensiyon na kausapin pa sila? Ganoon ang nararamdaman ko. Focus lang sa sariling academics or pag-a-aral, o kaya naman sa pang-a-asar ni Shaundrei. Hindi ko na masyadong pine-personal ang buhay niya bagamat may nakaraan kami. Masasayang lang ang oras ko. O edi sige siya na ang main character, basta may sarili akong buhay. Ayun ang isa sa blessing na ibinigay ni Lord, na magkaroon tayo ng sariling istorya at buhay. Huwag mong aksayahin ang buhay mo sa pag-da-drama base sa buhay ng iba. Sige ka, baka mamaya bawiin ni Lord 'yan. Kung siraulo ako, dadamdamin ko 'yan ng sobra na parang sa kaniya lang iikot ang buhay. Pero mali, kase parang sinasayang ko ang mga pagkakataon na inihahandog sa akin ni Lord. Na mas mahalin ang sarili ko. Na mas ma-discover at ma-enjoy ang buhay. "

"Sige, ate, a-attend na ako ng simba."

"Hindi pa ako tapos, tsaka bukas pa---"

"Mauna na'ko, nananampal ka bigla ng katotohanan diyan."

"Hoy! Ahahaha! Hindi pa ako tapos!"

Humiga na lang ako muli at hinawakan ang dibdib ko.

Napangiti ako nang makitang kalmado na ito. Masyado akong nasanay na kapag may makikitang ganoon tungkol sa taong iyon, masasaktan ng sobra.
Iiyak ng sobra. Magmumukmok. Magiisip ng kung ano-ano. Ikukumpara ang sarili doon sa babae. Iisiping sila ang bida at main character. Iisipin na wala na akong pag-asa sa buhay.

Natatawa ako mag-isa habang yakap ang barney na stuff toy.

Nakakatamad...

"Anak, nandito si ate Gwyn at kuya Yael mo. "

Anak akong tumakbo palabas. Tuwang-tuwa ako. Mga pinsan ko sila sa fatherside. Minsan lang kami magkita sa loob ng isang taon.

Tulad ng madalas mangyari kapag nagkikita-kita kami, maguusap kami kung kamusta na ba ang buhay ng isa't-isa. Sobrang dami kong natututunan sa kanila. Mas matanda sila sa akin. Napaka dami kong napupulot na aral sa kanila.

Snow On The BeachTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon