Noon, hindi pa ako naniniwalang linear ang healing stage. Noon, pinagtatawanan ko lamang ang konseptong iyon. Sabi ko sa sarili ko, gayong ako naman ang nasaktan at wala akong kasalanan, nararapat na hindi ko na sila muling maiisip pa. Nararapat na makakaahon ako agad pataas at magiging maayos ang lahat.
Iyon ay bagay na nagkamali ako.
Tulog si Jake habang yakap ang pusa, si mama ay umalis kasama ang aking kapatid. Tuwang tuwa talaga siya kay Teoshaun...
Nanonood siya ng cartoons. Ako naman, hindi mapa-kali.
"May iniisip ka ba?"
Niyakap ko ang tuhod ko at sumandal doon. Umiling lamang ako.
"Hindi ako naniniwala."
How can he read me easily... Ang mga kaibigan ko, hindi naman napapansin ang kilos ko kapag bothered...
"Teoshaun..."
"Hmmm?"
"Bakit ganito kabigat..."
"Kase kinikimkim mo, tinatabunan mo nang tinatabunan imbis na pakawalan."
Napalingon ako sa kaniya habang naluluha. Kita kong nagulat siya sa namataan. Makulimlim na dahil katitila lamang ng ulan ngunit kita ko pa din ang muka niya sa ilaw mula sa TV.
"Ang hina ko talaga, Teo... nakakainis..."
Napalingon siya sa akin.
"Bakit hindi mo hinahayaan ang sarili mong mapagod? Bakit hindi mo pinagbibigyan ang sarili mong magpahinga? Sa isang linggong pumasok tayo, napaka dami nating ginawa. Napaka dami nating inasikaso. Totoo ang body and mind connection. Sa sobrang sanay mong i-invalidate ang pagod mo, hindi mo na nararamdaman, tapos sinisisi mo ang sarili mo kase hindi makapag-function ng maayos."
I smiled.
Matalino ngang talaga siya...
I really wonder where he get those words.
"What if it was because of... n-never mind..."
Tumingin siya sa aking mata.
Hindi ako makatingin ng diretso gayong pakiramdam ko, nababasa niya ang nararamdaman ko. Nahihiya akong aminin na bothered ako...
"Nakakapikon naman talaga 'yun, ako ngang nakita kang umiyak, napikon... Kung ako napikon, naiisip ko gaano ka nasaktan."
Tumulo ang luha ko na pinunasan niya.
"Teoshaun, I cannot understand my self... Bakit? Bakit sa simpleng gano'n na wala lang sa kanila, na baka trip lang, na baka ginawa lang nila para malinis ang konsensiya niya... Bakit ako, anxious na naman? Nahihirapan na naman at... nagkakaganito?"
Pabiro niyang sinundot ang noo ko.
"Bakit mo sinisisi ang sarili mo kung paano siya mag-react sa kagaguhan ng iba?"
"Why n-not?"
"Coconut----aray ahahaha! Joke lang, w-wag kang magulo, magigising si Jake..."
Binitawan ko ang buhok niya.
"Makinig ka ha...mag-a-advise ako bilang kaibigan, kaya makinig ka...Kase hindi mo ito maririnig sa mga taong walang pakealam sa'yo..."
Tumango ako at bahagyang mas lumapit sa kaniya.
"Nakakapikon at nakaka-bother naman talaga. Base sa pinagkwekwentuhan natin kanina, miski si Jake nga napikon eh. Akalain mo 'yang hayop na 'yan napikon para sa'yo. Naomi, kase matagal mong naisip na wala na silang pakealam sa iyo at hindi ka na nila naaalala. Doon ka nagkaroon ng peace. Doon ka naging maayos. Iyon ang naging klaro para sa iyo. Ngayon, ang bagay na klaro na para sa iyo, babahidan pa nila ng kung ano. Kung i-intindihin natin, ang mahalaga... malayo ka na. Ngayong tila sinusubukan nilang ma-reach muli ang kalooban mo, tatakbo tayo palayo doon. Palayo sa mga maaaring maging maling pagkakaakala mo sa kanila. Huwag mo nang buksan ang puso mo sa mga taong sumira diyan. Oo, mahirap na huwag nang isipin na kinakamusta nila, pero huwag mo nang isipin ano bang intensiyon niya. Dahil naniniwala akong kung gusto nilang ayusin---hihingi muna siya ng sorry."
BINABASA MO ANG
Snow On The Beach
Teen FictionVillain sa story ng iba, minsan naman...Narrator. That is how my senior year feels like. Egocentric at overthinker, napaka gandang combo...hindi ba? But someone made me see something from within.