Twenty

21 1 1
                                    

"Bakit kasi ang-puti mo? Napag-kamalan tuloy kitang white lady!"

"Gusto mo pala ng morena eh! Edi maghanap na na ng dalawang l ang pangalan!"

Lumapit siya sa akin. Nasa court kami, maagang mga nagising at may pasok pa mamaya. Si Jake ay bumibili ng kape. Sinasadya na sigurong doon ubusin sa kaniyang binilhan.

"Ayoko nga. Kahit maging color purple ka pa."

Natawa ako at nasamid sa kapeng ini-inom.

Napaka-lala talaga ng pagiging random niya...

Pati ako, nagiging ganoon na ang humor. Pati ako, napaka babaw na ng kaligayahan.

"Shaundrei... can I ask you something?"

"Hmmmm?"

"Ayos lang ba kung tanungin ko bakit takot ka sa dilim?"

He smiled...

Bitterly.

The first time that I saw this smile. Nakangiti siya ngunit nakikita ko ang sakit at pait.

Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang kamay niya.

Malaki ang kamay niya. Ngunit nagsumikap akong itago iyon sa loob ng kamay ko.

"Mhm naman... gusto mo talagang malaman?"

Kinurot niya ang pisnge ko. Tumango ako.

"I was seven that time... Nasa puder ako ni Daddy noon. Hindi ko masumbong kay lola ko na lagi ako sinasaktan ni Daddy. Nahuli ko ang step-mother kong may katalik na iba s-sa bahay namin..."

Niyakap ko siya ng mahigpit. Hindi ako nagdalawang isip nang sumandal siya sa balikat ko.

Hinahaplos ko ang buhok niya kaya napahawak siya sa kamay ko.

"Kahit bata pa, diterminado akong sabihin iyon kay Daddy... P-Pero sinaktan nila ako, binugbog at... t-tinali sa kwarto. They locked it. I tried to ask for help. Kitang-kita ko paanong parang disappointed pa sa akin si kuya Luke..."

Tumulo ang luha ko. Naiimagine ko ang nangyari sa kaniya, kung gaano siya katakot, kung gaano siya nasaktan.

"M-Mabuti na lamang, dumalaw si kuya Matheo... kasama si ate Colein. B-Binuksan nila, nang makita ko ang liwanag... nagdilim ang paningin ko... Naaalala ko pa paano ako nawalan ng malay."

Wala akong magawa bukod sa humikbi. Wala akong nagawa bukod sa yakapin siya. Wala akong nagawa bukod sa mas haplusin ang buhok niya.

"Gusto ko nang kalimutan ang memoryang iyon Naomi eh... Pero, hindi ko magawa. May mga oras pa din na hindi ako makatulog agad... Pero Naomi..."

"Hmmmm?"

"Alam mo kung bakit hindi na ako takot sa dilim at kung bakit ikaw ang rason?"

I chuckled softly.

Ganoon ako kahalaga sa kaniya? Ganoon ang naging impact ko sa kaniya? Hindi ako makapaniwala ngunit damang-dama ko na napaka swerte ko sa kaniya. Damang-dama kong napaka halaga ko.

"Hmmmm?"

"Dahil sa naaalala kita bilang liwanag. Sa ilang beses na madilim, at bigla kitang nakikita. Dito sa court at sa bahay noong nilalagnat ako, tandang-tanda ko pa... Tandang-tanda ko pa paano ka kumanta ng Tagpuan hanggang sa makatulog ako. Aside from that, it reminds me of you. Kalmado, mahirap alamin kung anong kayang ipakita sa oras na maliwanagan na. Pero sa'yo ako pinaka nakakapag-pahinga, hindi ka nakakasilaw... Dahil sa madilim at tahimik, iyon ka. I am no longer afraid of darkness because it reminds me of you. Not because I am curious what I might see when the darkness fades and it feels so safe... Pero dahil habang mas nakikilala kita at mas nagiging malapit ako sa'yo, mas nahuhulog na pala ako. "

Snow On The BeachTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon