"Desidido na kayo sa kukuhanin niyo sa college?"Kharmille.
"Mhm, hindi pwedeng hindi teh..."Raiah.
"I think oo kase no choice naman ako..."Rhianne.
Napa-isip din ako.
Dapat naman talaga HUMSS ang kukuhanin ko, ngunit gayong nasira ng sobra ang mental health ko...Naisipan kong mag-STEM at baka hindi talaga para sa akin ang childhood dream ko.
Napatingin ako sa aking cellphone na may chat ni Papa.
Daddy:Kumain ka na ba nak? Buti may bago ka nang kaibigan
Naoi:Opo, okay naman po kami ditoHindi na siya muling nakapag-reply. Siguro ay busy sa trabaho...
May humablot sa cp ko. Alam ko na agad sino.
"Sinong ka-chat mo?"Teoshaun.
"Si Daddy, alam mo ikaw...papansin ka talaga!"
Pinagtawanan niya ako nang bahagya akong matalisod. Hindi pala bahagya. Siya 'yung kaibigan na pagtatawanan muna ako bago ako tulungan maka-bangon.
Natatawa din naman ako na naiinis. Sa buhok niya ako kumapit upang maka-bangon.
Lumapit sa akin si Krissha, ka-circle din namin. Mas malapit nga lamang siya kay Alden at Raphael.
"Tignan mo, ka-asim-an ng mga kaibigan mo dati..."
Nakita ko ang post ng isa sa kanila, ex ni Rhianne. Napatingin ako at mukang may pinariringgan sa FB.
Nabilis ang tibok ng puso ko.
"Silang tatlo meron na, pati...iyong isa?"
Tumango siya. Alam niyang ang tinutukoy ko, ex ko.
Pinakita niya sa akin ang timeline.
"Bakit ambilis ng tibok ng puso mo?"
"Kasi pangalan pa lang nila may apekto na..."
Nagmasid ako sa timeline niya. Mukang mayroon nga.
Mabilis ang tibok ng puso ko. Inuwi ko iyon sa tawa gayong ayos naman ako emotionally. Sinabi ko kay Krissha na ayos lang naman ako.
Ngunit...maloloko ko ba ang sarili ko?
At sa ganitong sitwasyon, siya ang hinanap ko. Ngunit habang hinahanap ko siya, nakatingin na siya sa akin. Nag-angat siya ng dalawang kilay.
"Ayos ka lang?" He mouthed.
Tumango ako.
"Hindi ako naniniwala..."
Lumapit siya sa akin. Sinaklob niya sa akin ang jacket niya. Hinawakan ang nanginginig kong kamay at kinulong ito sa kamay niyang mas malaki sa akin.
"Shh..."
His pressence...is more than enough.
"Anong nangyari?"aniya, mahina ang boses.
"May nalaman na akala ko wala na akong pakealam, pero...bakit nagkaganito ako?"
"Body reaction."
Gusto ko na nandito lamang siya. Gusto kong manatili siya.
"Pero mag-focus ka sa reality...Lumabas ka ng thoughts mo pagkatapos mong ilabas ang emosyon mo. Huwag mong ikukulong sarili mo diyan."
Sinubukan ko iyong gawin. Napangiti ako bigla.
"Nakapag-kape ako kanina, tapos maayos kayong lahat na kaibigan ko. Okay lang si Daddy, mataas din ang quiz natin kanina. It's probobly just how I perceive things!"
BINABASA MO ANG
Snow On The Beach
Teen FictionVillain sa story ng iba, minsan naman...Narrator. That is how my senior year feels like. Egocentric at overthinker, napaka gandang combo...hindi ba? But someone made me see something from within.